Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa loob. I handed the bayad para sa taxi at nagpa-salamat.

Pag-pasok ko pa lang sa gate ay nakita kong maraming ilaw ang bahay namin. Masyado naman yatang maliwanag? Ano na naman kayang mayroon?

"Good evening, Ma'am Syd," bati ng security namin.

"Good evening, Kuya. Bakit po maliwanag ang bahay?"

"Hindi ko saktong alam, Ma'am Syd. Kaka-palit ko pa lang po rito, e."

Tumango na lang ako at tumuloy sa pag-pasok. Nakita kong bukas na ang pinto kaya pumasok na ako ng tuloy tuloy.

"Mom–"

"Syd, Hija! We have your special visitor!" Bungad sa 'kin ni Mommy na nasa sala. Nagawi ang tingin ko nang may tinuro si Mom na katapat niya. Ganoon na lang ang pagka-gulat ko!

"S–sir Rev?"

Bumagsak ang balikat ko nang mag-tama ang tingin namin. Nilapag niya ang basong hawak niya at tumayo. Ngumiti siya sa 'kin.

"Hahabulin sana kita kaso mukhang nagma-madali kana pauwi. I was about to go here also, using a private helicopter," paliwanag niya sa 'kin.

Kaya naunahan niya akong pumunta rito.

"Hija, he's our neighbor! Nabanggit niya sa 'kin na magka-trabaho rin kayo," si Mommy. "Did you eat dinner? Halika na't sumabay sa 'min ng bisita mo."

Naunang mag-lakad sina Mommy and Sir Rev. Tumingin ako kay Kuya Axl na naka-ngisi.

"Ba't hindi mo sinabi na may bisita pala?!" Angil ko kay Kuya. "Si Sir Rev 'yun! Pinsan ng Boss ko!"

"Malay ko. Akala ko naman kaibigan mo lang. He lives here, two house away," he buffed. "Don't hate me."

Napa-ngiwi na lang ako.

There's no point on hating my Kuya Axl.

Naglakad na rin kami papuntang dinning area. Naririnig kong napapa-tawa si Mommy sa kung anong sinasabi nitong si Sir Rev. Napakunot tuloy ako ng noo. Nakuha agad niya ang loob ni Mommy?

"Let's eat na."

Nasa gitna kami ng pagkain nang maramdaman kong napatitig sa 'kin si Sir Rev. Nasa tabi ko kasi siya, rito siya pinaupo ni Mommy. Si Kuya Axl naman nasa harapan ko banda.

"Bakit Sir?" Bulong ko.

"Drop the Sir."

May naalala tuloy ako. Ano bang issue ng mag-pinsan na 'to sa pag-galang ko sa kung ano ko sila?! Tsk.

"Ay–"

"You know what, Hijo. Anniesyd is single–" hindi pa natatapos si Mommy ay nabulunan na 'ko!

Shit!

Ito na nga ba ang inaalala ko!

Napatingin tuloy ako kay Sir Rev na halatang confused na nakatingin kay Mommy. Agad tuloy niya akong tinignan at maya maya ay napa-tango.

"I am single too, Tita," nakangiting sagot naman ni Rev.

Dang!

This man?! May balak ba siyang kung ano?

"Mom, kalma. Nasa hapag tayo. 'Wag niyong unahan kung anong gusto at hindi gusto ni Syd. Let's drop that. He's one of their boss," biglang sabi ni Kuya habang patuloy ang pagkain.

Thank God I have Kuya!

"O–h, sorry. Lets.. Let's just eat."

Medyo awkward tuloy ang tahimik na dinner namin. Nang matapos kami ay agad kong pinutol ang usapan nila ni Mommy.

"Sir Rev, should we call it a day? M–marami kayong ginawa sa opisina. Right? Hatid ko na po kayo sa labas."

Mabuti na lang ay wala nang umangal sa kanila ni Mommy. Nagpaalam na rin siya at palabas na kami ng pinto.

"Paano niyo nalaman na taga-rito ako?" Tanong ko habang nagla-lakad na kami palabas ng gate.

"I already knew you lived here until you moved out to Manila."

"Paano?"

"Since high school I was here. Last high school year and last sem, I saw you walking. Sinundan kita then I realized we lived in the same village. Lumipat lang ako noon dito noong nagalit ang mga magulang ni Heath."

Napa-isip ako.

How did these two cousin found me but I never saw them even once?

"Sorry to creep you out."

Hindi ako naka-sagot. Nasa harap na kami nang gate kaya tumango na lang ako sa kaniya. Umalis na rin naman na siya at naiwan akong nakatulala.

Heath and Rev saw me since childhood and teenager years. How come I never had a conversation with them with those years?

Ugh, it bothers me now!

Pumasok na 'ko sa loob at naabutan ko sina Mommy at Kuya Axl.

"Mom! Paano naka-pasok si Sir Rev dito sa 'tin?"

"Nakita ko kasi siya dyan sa labas. He keeps on eyeing our house. Akala ko nga ay akyat bahay na kaso ang gwapo ni Rev at mukha naman na mayaman!" Napangiti si Mommy. "Tinanong ko kung bakit at hinanap ka raw niya. Kaibigan mo raw kaya pina-pasok ko na."

"Mommy, paano kung nag-panggap lang 'yun?! Baka mamaya pasukin talaga kayo ng magna-nakaw dito, eh! Mom naman!" I hissed.

"E, hindi naman mukhang magnanakaw!"

"Looks can be deceiving," sagot ko. "Akyat na po ako."

Gosh.

Nakaka-stress naman na araw 'to! Sabi ko uuwi ako ng Antipolo para makapag-relax tapos ending na-stress din ako rito!? Damn.

I opened my room and then slammed at my bed. Nakaka-pagod naman! I closed my eyes para makahanap na ng tulog kaso naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko.

Napa-ayos tuloy ako ng higa para makuha 'yun.

Sir Heath:

I'm outside of your house.

(Tap to see photos)

(Tap to see photos)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now