CHAPTER EIGHTEEN

5 2 0
                                    

Christine

Nang walang pasabi, dumaan na mismo sila sa gitna namin na walang pakialam kahit may mabunggo o masaktan man sila. Kung ako lang, matitisod ko 'yung mga lokong 'yon. 


Oras na rin kaya dumiretso na kami sa kani-kaniya naming mga klase. Hindi ko malimutan ang itsura ng mga lalaki kanina. Paanong dito rin sila nag-aaral? Balak ba nilang patayin kaming lahat? Hindi na naman ako makapag-focus sa kaka-isip ko sa mga iyon. Hindi ako matahimik.


Dumating ang oras ng break at guess what, may nagkukumpulang mga estudyante sa likod sa may canteen. Tila may mga nag-aaway na naman. Dahil na rin sa curiosity namin, lumapit na kami at napansin namin na grupo sila. Paglapit namin ay nakita namin si Eithan na duguang nakahilata sa sahig. At hindi nga ako nagkamali ng hinala kung sino 'yung grupo, 'yung kanina lang rin pala.


"Think, Martel. 'Wag kang biglang aangkin ng hindi sayo. You should've thought of what you've done", sabi ng isa sa kanila habang nasa braso nito si Alexis. Halatang hindi alam ng lider nila na matagal na sila ni Alexis, may pagkamalandi rin pala 'yung ahas na 'yon.


"Lalapit na ba tayo?", tanong ni Jacky. Pwede rin, kasama naman namin sina Wil pati rin si Owen na takot pa ring tignan 


Nakaka-awang tignan si Eithan na hawak-hawak ng dalawang miyembro rin. Nang walang pasabi-sabi ay bigla na lang napadpad si Owen doon at akmang susuntukin 'yung isa sa mga humahawak kay Eithan nang biglang hinawakan siya sa likuran ng kwelyo ng damit niya at itinapon sa mga kasamahan niya at agad hinawakan din ito.


"Perez, you failed. At balak mo pang lumaban", sabi nito at biglang sinuntok sa tiyan si Owen. Lalapit sana ako ngunit pinipigilan ako nina Jacky at Rina. "Huwag ka ng lumapit do'n, baka masali ka pa"


I want to help him as a friend pero nangingibaw rin sa sarili ko na baka madamay pa kami ng iba ko pang kaibigan. Gustohin ko mang lumapit, baka ma-guilty ako kapag may nangyari rin sa iba kong kaibigan. Sila lang mga kakilala ko rito at mga kakampi ko kung sakaling may mangyaring masama.


I found myself moving palapit sa kanila at this time, hindi na ako pinigilan nina Jacky. Alam ko naman ginagawa ko at para kay Owen, pati ni rin kay Eithan ang gagawin ko para maligtas sila kahit ako pa ang mapahamak.


Walang pasabi kong sinampal ng malakas 'yong lider nila at hinila si Owen sa mga humahawak sa kaniya. "Wala kang puso, pati inosente dinadamay mo. Sa tingin mo magugustahan ng iba 'yang ginagawa mo?"


"Miss, as long as walang lumalaban or sinisiraan na ako sa likod ko, I won't anything. But this guy, him, he is stealing my girl from me", turo niya kay Eithan na dinudugo na ang labi.


"You can take things the nicer way at 'yun dapat ang ginagawa mo kung gusto mong walang lumaban at umaway sayo. 'Wag kang gumawa ng makakasira sa relasyon mo sa ibang tao kung ayaw mong mawalan, lalo na siguro 'yang mga alalay mong mahihina", salita ko na nagpagalit sa isa sa kanila na balak pa akong tamaan ng kamay niya ngunit pinigilan rin siya ng lider nila.


"Who are you?", tanong niya.


"Christine Valencia, any problems?", taas-kilay kong sagot.

Casia Sicarius (Life's Love And Murder)Where stories live. Discover now