Simula

845 26 36
                                    

College Romance Series #6:
Touch Your Heart

"Ayos ba yung sinabi ko?" tanong ko kay Denise habang nakatambay kami sa labas ng Starbucks.

Just because we're outside the Starbucks doesn't mean we bought Starbucks. Wala nga kaming pera pambili ng kape sa Starbucks kaya makikitambay nalang. Lol.

"Oo..." saad niya kaya napabusangot ako.

"Hindi mo man yata ako pinapakinggan eh! Puro ka nalang basa ng basa hindi naman totoo ang mga characters na binabasa mo---" natikom ko nalang ang bibig ko nung tiningnan ako ng masama ni Denise.

"Iwan na nga natin toh," yaya ni Denise kay Riza bago nagsimulang maglakad palayo kung nasaan man ako.

"Ay wow, sige iwan niyo ako, sana masaya na kayo," ngumuso ako nung hindi man lang sila tumigil sa paglalakad. Hindi ko din alam bakit naging kaibigan ko ang mga ito eh. Kung hindi lang kase nagkapalit-palit yung mga certificate namin nung Recognition day nung Highschool kami baka ngayon strangers pa din kami.

Napahugot ako ng hininga bago hinabol ang dalawang kumag kong kaibigan.

We're third years in College now. At kaming tatlo nila Denise na mga kaibigan ko simula nung highschool, ay lumipat sa Roundell University nung mag-se-second years na kami.

Biyernes ngayon at sa Lunes na ang unang araw ng klase.

"Nakabili na ba kayo ng mga ballpen niyo?" tanong ko sa kanila nung naabutan ko sila.

"Ikaw? Nakabili ka na ba ng papel mo?" tanong ni Riza. Nginitian ko siya bago kinindatan.

"Syempre hindi, ikaw taga-bigay sakin eh," saad ko bago lumayo sa kanya, buti nalang at nakaiwas ako sa hampas niya.

"Alam niyo na anong room niyo?" tanong ni Denise bago niya tinago ang phone niya. Tapos na siguro yung binabasa niya sa webtoon.

"Magkakaklase pa rin tayo, kaya wag kayong mag-alala," saad ko sa kanila.

"Sana may gwapo tayong kaklase noh?" tanong ni Riza kaya napangiti ako ng nakakaloko bago tumango.

"Puro nalang gwapo hanap niyo," umiling si Denise.

"Nahiya naman kame sa babaeng ang taas ng standards dahil sa mga karakter na  lalaki sa mga binabasa niya," panunuya ko kay Denise pero inirapan niya lang ako.

"Uy, ganda nung buhok nung naglalakad sa harapan natin," tinuro ni Riza gamit ang nguso niya iyong lalaking naka-undercut.

"Ay oo nga mare," saad ni Denise kaya napatingin kaming dalawa ni Riza sa kanya.

"Basta gwapo, lumilinaw ang mata," saad ko bago ngumisi.

"Girl, buti hindi ka nag-online school?" natigilan ako sa tanong ni Denise.

Sa mga kakilala ko sa school, silang dalawa lang ang nakakaalam ng sikreto ko.

"Alam niyo namang hindi ako makakapayag," saad ko sa kanila bago ngumiti.

"Sabagay, si Chiller ka nga pala," saad naman ni Riza.

Chiller, or should I say Serial Chiller.

It's my name when I'm a gamer. A pro gamer.

"Hindi pa din ako maka-move on sa kaisipang may kaibigan akong pro gamer, langya ka anong ginawa mo at naging pro gamer ka?" natawa ako sa sinabi ni Denise bago nagkibit-balikat.

"Huwag kayong maingay baka may makaalam na ako yun," paalala ko sa kanila.

Walang nakakaalam kung anong itsura ni Serial Chiller. Kase sa tuwing naglalaro ako, palagi akong may mask. Ni-request ko sa mga ka-team ko na itago ang mukha ko para di pagkaguluhan kapag nasa school ako.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now