Chapter 1: I'm in trouble

1.5M 29.7K 7.4K
                                    

Skie's point of view.

From that stupid bus now I'm here at the police station. And it's just because I'm trying to help that girl.

"Dude, nakaalis ka na dyan?" Tanong ni Matt. Napahawak na lang ako sa buhok. I feel so damn frustrated right now. "Masasayang lahat ng surprise natin kay Anya."

I know that. This can't fvcking happen. I want to punch someone right now straight to their fvcking face.

"These cops won't allow me to go. Gusto pa nilang makausap si Dad kahit na nag bigay na ako ng statement." Tumingin ako sa mga lalaking nakaaway ko. Kapag nakalabas ako hahanapin ko sila at bubugbugin ko sila hanggang sa magmakaawa sila sakin. "Hintayin niyo lang ako."

"Skie? Anong nangyari?" Napatayo agad ako ng marinig ko ang boses ni Papa. "May ginawa ka na naman? Ilang beses ba kitang kailangan pag sabihan ha?"

Just by looking at him, he looks very disappointed. Palagi naman eh. I'm always a failure to him.

"Dad I was just trying to help." Paliwanag ko.

"So helping will lead you to jail?" Sarkastiko niyang tanong.

Fine. Palagi naman siyang hindi nakikinig sakin. Hindi din naman niya pinapaniwalaan ang sinasabi ko. What a father.

"Sir, kayo ba si Mr. Gonzales?" Tanong ng pulis. "Nakipag away kasi sa bus yong anak niyo kasama yong grupo ng mga lalaking to. Isa pa nag cause yon ng delay sa mga pasahero at sa operation ng bus yong nangyari."

"Pasensya na po. Ako na lang po ang bahala." Tinginan ako ni Dad at masama pa din ang tingin niya sakin. "Pumasok ka sa kotse ko, hintayin mo ako don."

"Kailangan kong puntahan si Anya." Protesta ko. "I need to go."

"You will not go anywhere, Skie." Nakita ko na naman yong seryosong tingin ni Dad. Nakakatakot. Okay. He wins.

"Fine." Matipid kong sagot. "Whatever."

Nilagay ko sa bulsa ko yong kamay ko pagkatapos lumabas ako ng police station. Parang gusto kong sipain yong kotse ni Dad pero mas makakadagdag pa yon sa galit niya sakin kaya mas mabuti pang wag na lang. Mas maganda siguro kung tao yong masasapak ko. Mga taong may dahilan ng problema na to at kung hindi lang siya babae kasama ko ng sasapakin yong babae kanina.

Umupo ako sa likod ng kotse. Pinikit ko yong mata ko. Naisip ko yong nangyari kanina. Naalala ko ulit yong babae kanina at hindi ko maiwasang mainis. Kung hindi dahil sakanya, hindi ako malalagay sa problema ngayon.

Ang angas pa niya. Dapat talaga hindi ko na siya tinulungan. Dapat hinayaan ko na lang siya. Aish. Puchang buhay to.

Kalahating oras din akong naghintay sa kotse. Nakalimutan ko na ngang tawagan si Matt. Kinuha ko ang cellphone ko at nagulat ako ng may tatlong missed call galing kay Anya, Matt at kay Cole. Great. I'm totally screwed up.

Tinawagan ko si Anya pero hindi niya ako sinasagot. Kaya binasa ko na lang yong text message niya.

'I can't believe you forgot about our anniversary. It feels like I'm nothing to you anymore. Are you still the Skie, I know?'

"Damn it." I said in frustration. Kung lalaki lang talaga yong babaeng tinulungan ko kanina hahanapin ko siya at bugbugbugin ko siya. "What a day." Bulong ko.

Pumasok si Dad sa kotse.

"You're grounded. No credit cards. No cars. No party. No going out." Seryoso niyang sabi. "We'll go home, your mom is waiting for us."

Isn't it great? Nag away kami ng girlfriend ko, grounded ako at once again disappointed na naman si Dad sakin. May mas lalala pa ba sa araw ko ngayon?

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon