Chapter 48: Code ICE

Start from the beginning
                                        

I wanted to believe in her words.. kung totoo nga na tumigil ang tibok ng kanyang puso.  Then, maybe she were revived from death. Then maybe, she was stored on a cold place to lower her body..

That maybe.. She will look like a frozen corpse but the truth is she's still alive.

That's what I believe..

But Code ICE only last for twenty four hours..

Na saan ka na Ice?

It's been months? Why aren't you here? Bakit di ka pa lumalabas?

"Pineapple pie please and one orange juice."

Napa-angat ang tingin ko sa nag-order. Her voice wasn't familiar kaya nabaling agad ako.

I was weirded by the way she looked. Her hair was blue. She's also wearing a blue lenses. Ang hindi ko maintindihan ay ang kulay sa paligid ng kanyang mata.. nagmumukha siyang si Avril Lavigne sa kanyang smokey eye shadow. Kulay violet naman ang kanyang labi at ang suot niya pa ay kulay itim on its gothic style. Parang gusto kong matawa sa kanyang itsura pero pinigilan ko.

Nasa Bakery ako and I have to manage this bakery while Mama is not around. Na sa US pa siya at may inaasikaso.

She's looking for my father. That's what she told me so I let her be.

"Are you new here, Miss?" I asked the girl infront. Bahagyang umangat ang kanyang kilay sa tanong ko.

"Yeah." She answered after a minute of just starring at me.

Tumango na lang ako at ibinigay ang kanyang order sa akin. Agad naman siya umupo sa ilang mesa na para sa mga customer namin.

I saw a familiar movement from Ice on her..

Napapansin ko kasi noon kay Ice, pinaglalaruan niya ang straw bago ito ginagamit. Pinapaikot niya ito sa buong daliri niya sa kaliwang kamay bago niya iyon gagamitin. I saw the same movement on this girl kaya tumagal ang titig ko sa kanya.

Tuwid na tuwid rin ang upo niya.. just like Ice. Bago niya rin kinagatan ang pie, inamoy niya muna 'yon like she's checking if my poison ba doon.. just like Ice too.

The next day, that gothic girl ordered again on the bakery. Parehong pie, parehong juice.

"I'm Orville.." pakilala ko sa kanya ng medyo dumalas na siya sa bakery. Tumaas muli ang kanyang kilay sa akin. I was amused by it though.

"Uh.. Nice to meet you?" She said while there's amusement on her face too.

"You're name, Miss?" I asked. Hindi naman kasi siya nagpakilala.

May tumahol na aso kaya napabaling siya sa gilid..

"Blue.." She whisper.

Kumunot ang noo ko dahil sa sagot niya. I slightly remember Blue, Ice's Dog.

"You're name is Blue?" I asked to clarify.

Tila natauhan naman siya sa tanong ko. Umiling siya sa akin then she laugh.

"No, my name is Cara. But my Tatay called me Blue because it's my favorite color."

Napatango na lang tuloy ako. She speak very fluent in English. Mula kaya siya sa mayamang pamilya? But she called her father as 'Tatay'.

"You seemed fluent in that language. Don't you understand the dialect here? You're from?" Tanong ko upang masagot ang katanungan tungkol sa babaeng ito.

"Kaya kong magsalita ng bicol at Tagalog. Mas sanay lang ako sa ingles." Wika niya. Hindi sinagot kung taga saan nga ba siya.

"Ah. Okay. Akala ko ay hindi. Ngunit taga saan ka nga ba.. uhm.. Cara?.. or Blue?"

Code: ICE (Code Series #1)Where stories live. Discover now