TEASER

3.2K 164 6
                                    

"You are brave and full of love, how can I not fall in love with you? I'm smitten and head over heels in love with you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You are brave and full of love, how can I not fall in love with you? I'm smitten and head over heels in love with you."

●●●●●●●●●●

Hinapit niyang lalo si Maddie nang maramdamang bumibilis ang mga patak ng ulan. Agad siyang naghanap ng masisilungan at nahagip ng kanyang mga mata ang shed na nasa tagilirang bahagi ng Rigo Cuisine. Kahit papa'no ay makakasilong sila sa ulan at sa nagngangalit na kalangitan. Mababagsik ang kulog at nagbabanta ng mas malalang unos.

Hindi niya alam kung ilang sandali na silang naroon. Hindi siya makaalis dahil lalong lumakas ang ulan at hindi niya alam kung saan pupunta.

Nanginginig ang katawan na pilit niyang tinatakpan ang batang karga-karga upang hindi ito mabasa. 'Di bale nang siya ang sumalo sa bawat patak ng ulan na tumatamo sa kanyang katawan at hindi kayang sanggain ng shed na tinigilan nila.

Namumuo ang luha sa gilid ng mga mata ni River at gusto nang kumawala dahil sa kamiserablehang kanyang tinatamasa.

Biglaang sumalakay ang pananakit ng kanyang ulo at katawan dahil sa ilang araw na kulang ng pahinga. "Mama..."

Tuluyang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata dahil sa kawalan ng pag-asa. Sumasabay sa pag-iyak ng langit. Ang kagustuhan na maglaho ay pumupuno sa kanyang dibdib upang matigil na ang kanyang paghihirap. Ngunit paano ang batang kanyang hawak? Hindi siya puwedeng maging makasarili dahil hindi lang naman siya ang nahihirapan sa sitwasyon nila.

Mahinang humihikbi ang dalaga nang masilaw sa ilaw na tumama sa kanyang mukha. Itinakip niya ang isang braso at pinaningkit ang mga mata upang aninagin ang may-ari nang ilaw na iyon. Ngunit lalo lang niyong dinagdagan ang pananakit ng kanyang ulo.

"Ano ang ginagawa mo rito?" tinig mula sa baritonong boses na siyang huling narinig ni River bago nawalan ng malay.

Damsel In Distress (Sanford Series #4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon