"Sir Micah. Tumawag na naman po ex n'yo kagabi, sir," salubong agad ng isa kong tauhan sa shop nang dumating ako nang umagang iyon. "Tapos no'ng sinabi po namin na kaaalis n'yo lang po, maya't maya'y bigla na lang sumulpot dito. She was so angry, sir. Kami ang pinagalitan."

Tinapik ko sa balikat si Lester saka sinabihang huwag nang intindihin iyon. I went inside the staff's room at nagpalit na agad ako ng t-shirt na pang-Edward's. As I was getting dressed, nakita ko sa bintana ang pamilyar na bulto ng isang puti. Nakaakbay siya sa isang atleta ng Uste. Naghaharutan sila sa kabilang kalye. Nang makita ko silang tumawid papunta sa kinaroroonan ng milk tea shop namin, dali-dali na akong lumabas ng silid.

I felt kind of angry as I watched him exchanging jokes with the guy he was with. Parang gusto ko siyang kutusan. Kaya siguro hindi niya nasundo sa bar noong isang gabi ang syota niya ay dahil may ibang pinagkaabalahan.

"Sir?" si Lester. He looked at me then at the foreigner. Ang huli ay hindi man lang aware na tinitingnan ko siya nang masama habang nakatunghay siya sa menu namin na nasa counter. "Ako na po riyan, sir. Baka masuntok n'yo pa iyan," tumatawang bulong sa akin ni Lester.

"Where were you the other night?" bigla ko na lang naitanong sa lalaki.

Napaangat siya ng mukha. He looked at me with a confused look on his face. "I'm sorry?" sagot niya. Napasulyap naman sa kanya ang kasama niyang Pinoy tapos sa akin. Itong Pinoy ay mukhang naguluhan din. Tapos parang may naisip sigurong kung ano. Feeling ko sumagi sa isipan nitong may romantic connection kami ng puti dahil nakita ko ang biglang pag-igting ng panga na parang pinipigilan lamang ang galit. Bago pa niya ma-misinterpret ang tanong ko, sinundan ko na iyon ng paliwanag.

"Shane was drunk in a bar the other night. I think she called you up. She wanted you to pick her up there but you never came."

Napakurap-kurap ang puti. Nagulat sa tanong ko. Nang tumimo na sa isipan niya ang tanong ko, napanganga siya. He looked at me with a curious expression on his face. Ganoon din ang kasama niya. Nawala na ang pag-iigting ng panga ng lalaki. Siguro nabunutan ng tinik na hindi kami magkaanu-ano ng kasama niya.

"Shane. Ang ibig n'yo bang sabihin ay iyong Shane Juarez? Iyong taga-FEU na girl na---"

"Na GIRLFRIEND nitong kasama mo, YES. That's the Shane I was talking about. The one and only Shane," agaw ko sa sasabihin pa sana ng Pinoy. Napalunok naman ito. Tingin ko alam na niya na alam ko kung mag-ano sila. Si Lester nama'y bigla akong siniko.

"Are you and Shane---friends?" tanong ng foreigner.

Hindi na ako sumagot doon. Paano ako makakasagot? Ang babaeng tampok ng usapan namin ay bigla na lang pumasok. Nasa pintuan pa lang ito'y nakita na agad ang boyfriend na kasama ang atleta ng Uste. Napanganga ito na parang hindi makapaniwala. I have a feeling na matagal na itong kinutuban.

"Thijs!" tawag nito sa boyfriend. She sounded breathless. Napalingon agad ang puti at lalong namutla. Uh-oh. Mukhang magkakaroon ng eksena sa shop ko, ah.

Kaso, ang sumunod na kaganapan ay iba sa iniisip ko. Bigla na lang ngumiti nang pagkatamis-tamis ang puti at sinalubong ng halik sa pisngi ang girlfriend.

"Hi, baby. I didn't know you would be here at this hour in the morning. I thought you have a class now? Did you receive my messages?"

Tumangu-tango ang babae. Tapos tumingin ito sa lalaking kasama ng boyfriend niya. Mabilis nitong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng lalaki. Inisip kong kokomprontahin nito ang guy, pero hindi rin nangyari.

"Hi, Shane!" bati ng lalaki. He looked extra-friendly. Ikinagulat iyon ng babae but she played along. Alam kong right there and then ay naintindihan na nito ang lahat. Pero hindi katulad ng ibang babae, hindi siya gumawa ng eksena sa shop. She played along. At hindi ko alam kung bakit, pero ako ang nagalit. Gusto ko kasi siyang ipagtanggol. Gusto kong ipamukha sa dalawa na may isang tao sa silid na iyon na gustong protektahan ang babaeng iyon. Ang babaeng na-taken for granted ng hinayupak na puting iyon.

**********

Shane Andrea Juarez

Pinisil-pisil ni Yolanda ang dalawa kong kamay habang pareho naming sinusundan ng tingin sina Thijs at Pancho habang tumatawid sila pabalik ng Uste. May practice pa raw sila ng basketball doon. Which is true naman. Kasi napag-alaman namin iyon kay Drae, ang team captain ng basketball team namin na kaibigang matalik din ni Eula. May gaganapin na naman daw kasing friendly match sa pagitan ng mga teams namin sa susunod na linggo.

"I believe you now, Shane," sabi pa ni Eula. For the first time, sineryoso ako ng baliw kong kaibigan. Akala ko'y tuluy-tuloy na iyon. Pero bago ako mag-emote sa harapan niya, impit siyang tumili nang kumaway sa amin ang manager ng Edward's. "Itong si Kuya ay guwapo talaga. Bakit ka magtitiyaga sa boyfriend mong parang ano kung nandito naman ito? Mas pogi ito, eh! Ayyyiiiiiee!"

When I glanced at him again, nagtama ang mga paningin namin. Hindi na siya nakangiti sa akin. Seryoso na siyang nakatingin lang sa akin. Pakiramdam ko parang may gusto siyang ipahiwatig sa akin. Crush kaya niya ako? Naku. Hindi muna ako mag-e-entertain ng manliligaw, no? Kokomprontahin ko pa ang Dutch na iyon saka---saka makikipag-break ako sa kanya. BREAK. Kahit it was the most logical thing to do, medyo nilukuban ako ng hindi maipaliwanag na kalungkutan. Then, I glanced at him again. This time hindi na siya nakatingin. Pinagmasdan ko siya habang umi-estima sa mga customers nila. Napaka-charismatic niya talaga. Iba siya mag-deal sa mga tao lalo na sa mga babae.

"Tingin ko nature niya ang pagiging sweet sa customers." At inginuso ko kay Eula kung paano siya makikipag-interact sa mga parokyano nila.

"Hindi. Iba ang tingin niya sa iyo. Kitang-kita ko, eh."

I have to admit that it made me feel good.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Pauwi na ako sa bahay sa Quezon City nang gabing iyon nang may mapansin akong couple na tila nagsisigawan ilang metro lang ang layo sa shop ko. Nang makalapit na ang motor ko sa kanila, ganoon na lamang ang pagsikdo ng dibdib ko nang mapagsino ko ang dalawa. Tinaas ko ang bandang harapan ng helmet para mabistahan pa silang mabuti. Tama nga ang sapantaha ko.

"Shane!" tawag ko sa babae. Napalingon agad ito. Nang makita niya ako, saglit itong natigilan. Tapos ay walang salita itong tumakbo sa akin. Ako naman ang nagulat. Lalo akong na-shock nang bigla na lang siyang umangkas sa akin saka yumapos pa sa baywang ko.

"Take me anywhere you like. I want to go anywhere but home. Ikaw na ang bahala kung saan mo ako gustong dalhin."

At naramdaman ko ang impit niyang pagsinok sa balikat ko. Parang sinaksak ng punyal ang puso ko sa narinig at sa naramdaman mula sa kanyang katawan. She must be so heartbroken.

Gusto kong bumaba at bigyan ng uppercut ang a**hole niyang boyfriend. Pero binubusinahan na kami ng mga sasakyan sa likuran namin. Saka ang hinayupak ay umalis na rin doon. Ni hindi man lang nagtangkang habulin ang girlfriend niya.

"Fvck you!" sigaw ko rito bago pinaharurot ang motor.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now