Zenica Alameda is from Torrero University. Mayaman siguro s'ya. Halata naman sa kilos, tingin, at paraan ng pagdadala sa damit.

Hindi naman dapat talaga ako sa St. Agatha University mag-aaral ng senior high school. Pero dahil pinilit ako ng ate ko, sinunod ko ang gusto n'ya at dito lumipat.

Masyadong mahal ang St. Agatha University pero dahil na rin sa matataas na grades, I was able to get a scholarship. Hindi naman daw kailangan, sabi ni ate, pero kumuha pa rin ako dahil sayang din 'yon. Makakatulong sa lahat ng iniisip n'ya.

She doesn't say it, pero alam kong no'ng namatay ang mga magulang namin, natakot s'ya nang sobra para sa aming dalawa. Kaya nga pinilit kong tumulong kahit sa maliliit na paraan.

I would've applied for a part time job too, pero nang sinabi ko naman kay ate, nagalit sa'kin at ayaw pumayag. She almost cried before I could even finish what I had to say.

Now that she already has a job that pays well, talaga namang kaya n'ya na akong suportahan, pero alam ko namang bata pa si ate. She should enjoy the things that girls her age enjoy. Alam kong sisikilin n'ya ang sarili n'ya para sa'kin at hindi ko naman gustong gawin n'ya 'yon.

I love her more than she will ever know. Nang mawala ang mga magulang namin, alam ko ang takot na posible n'yang naramdaman at itinago lang sa akin. Ni hindi ko s'ya nakitang umiyak noon kahit na alam kong mababaw ang mga luha n'ya. She didn't cry because she doesn't want me to see how scared she was.

Pero kahit hindi s'ya umiyak sa harapan ko, kitang-kita ko sa mga mata n'ya ang takot noon. At mas minahal ko s'ya dahil sa lakas na ipinakita n'ya sa'kin.

Kaya sino ako para manghina noon... kung ang kapatid ko, lumalaban para magbigay ng lakas sa'kin?

I never thought that I should be stronger because I am a guy. Hindi 'yon ipinaramdam ni ate sa'kin. I can even say that she's stronger than me. She's way stronger than me that's why I admire her.

I've been surrounded by such strong women.

Kaya siguro gano'n ko kung tingnan si Zenica.

It's the first time I've seen someone like her. Napapa-isip ako kung dahil sa rasong 'yon kaya ba hindi ko mapigilang parati s'yang tingnan?

"Huh?" Nagtatakang tanong sa akin ni Caleb.

"Si Zenica," I mumbled. "Hindi ba sa SAU ka nag-junior high. You must've heard from Torrero. Kakilala mo ba s'ya?"

Caleb looked at me suspiciously.

"Bakit mo tinatanong?" He asked.

Agad akong napa-iling. Ako nga ang nagtatanong.

"Kilala ko dahil may barkada ako noon na may gusto sa kan'ya," kibit-balikat ni Caleb.

Napalunok ako. So, she's that famous?

"Bakit? Crush mo?" Pang-aasar ni Caleb sa'kin.

Parang may kung ano sa salitang 'yon na nagpa-ilang sa'kin. Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagkain.

Crush.

I've never liked any girl before. Yes, I respect and admire them... but nobody has caught my attention this much.

Hindi ko alam kung ano ang meron kay Zenica. Is it the way she looks at me blankly? How aloof she is with everyone?

Tinitigan ko si Zenica nang masalubong ko sila ni Ynna sa hallway pabalik ng klase. She stared back at me. Diretso sa mga mata at hindi ko mapigilang malunod do'n.

Halos murahin ko ang sarili ko sa isipan habang tinititigan ang mga mata n'ya. She's looking more beautiful each day. Bawat araw na lumilipas, parang may nadidiskubre ako sa kan'ya na nagpapahulog lalo sa akin.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Where stories live. Discover now