Chapter 30- He's Not Over Me

2.3K 28 9
                                    

Guys, requirement na para sa akin ang 8 commenters and 10 votes per chapter. So kung hindi pa nabubuo ang 8 commenters and 10 votes, hindi ko muna ipopost ang next chapter. Sorry kung harsh iyon. I just need more feedback para lumawak pa ang level of ideas ko for this story. Anyway, I hope you guys like it. Enjoy!

Kim's Point of View

"What are you doing here?", tanong ko sa kanya na may halong inis. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. After what he did to me and Xian, ayaw ko na siyang makita. Manggugulo lang to, promise.

"Why? Aren't you happy to see me?", tanong niya sa akin.

"Pwede ba, Matthew! Kung manggugulo ka lang, umalis ka na.", sabi ko na galit na. Inaasar na talaga ako nitong lalaking to.

"No can do!", sabi nito na may kakaibang ngiti.

"Ano ang ibig mong sabihin?", tanong ko.

"Come on, Kim. I was invited here, at hindi ikaw ang celebrant kaya wala kang karapatan para paalisin ako. Besides, hindi mo ba nakita ang saya ni Maja nung sinayaw ko siya? May I remind you, ako ang escort ng bestfriend mo.", sagot ni Matthew.

"So ikaw pala.", tugon ko.

"Yup.", simpleng sagot niya.

"So ibig sabihin...",

"Ano?", tanong niya, talagang hindi ako pinatapos.

"May gusto ka sa bestfriend ko?", tanong ko.

"Yup. Gusto ko siya.", sabi ni Matthew. Ang ibig sabihin kaya nito, hindi na niya ako gusto? One point for me! Finally, Matthew's free!

Tiningnan ko si Matthew sa mata niya tapos yumuko siya. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Nakakatense naman to. Ano bang gagawin niya?

"Gusto ko siyang saktan.", bulong ni Matthew sa tenga ko.

Lumaki ang mga mata ko sa gulat. Kainis tong lalaking to! Ewan ko sa kanya! Subukan niya lang na saktan ang bestfriend ko at siguradong hindi lang bugbog ang katawan niya.

"Matthew? Ano bang problema mo?", tanong ko.

"Nireject mo ko eh. Tingnan lang natin kung sino ang mananalo.", sagot ni Matthew na may pilyong nakangiti.

"Matthew, baka nakakalimutan mo, may boyfriend na ako, at mahal na mahal ko siya. At isa pa, hindi ka nagparamdam. What makes you think I'll like you anyway? Tingnan mo nga ang ugali mo oh, hindi lang pang-kontrabida. Akala ko ba okay na tayo?", galit na sabi ko kay Matthew.

"Relax. Wala pa naman. I'm just making sure alam mo ang kalalabasan ng ginawa mo sa akin. Besides, ganti na rin to for Bianca. She deserves to be happy.", sabi ni Matthew sa akin.

"Matthew, sorry nalang kung ganoon. Pero please, don't take it on Maja, wala naman siyang ginawang masama para paglaruan mo siya.", tanggi ko sa kanya.

"Exactly. She's innocent, and look at you, happy-happy kayo ng boyfriend mo, and you'll watch her suffer. Now tell me, Kim, nakonsensiya ka na ba na nasaktan kami ni Bianca?", tanong ni Matthew.

"Matthew, alam mo naman na dati pa ayaw na ni Xian kay Bianca. And it seems like she accepted it by just being friends with my boyfriend. Now, look at how happy Bianca is with you. Tell me, Matthew, na hindi ka concerned kay Bianca. You've always been there for her. So why stop? Dahil sa akin? Matthew, kung mawawala ang friendship niyo ni Bianca kapalit lang pala ng rejection ko sayo, sinasabi ko na sayo ngayon, sinasayang mo lang ang oras mo.", sabi ko kay Matthew.

Tiningnan niya lang ako.

"Tell me, Matthew, sinabi ba ni Bianca na gumanti ka para sa kanya? I don't think so. Nagpadala ka lang sa galit nung nareject kita. Sasaktan mo ba ako? Kami ni Xian? Then tell me, magugustuhan ba ni Bianca ang ginagawa mo? Sure, friends lang ang tinginan niyo ngayon, pero I know, deep inside you, may pagtingin ka kay Bianca. Tell me, Matthew, nireject ka din ba ni Bianca?", tanong ko. Alam kong mabait si Bianca. Magkaibigan kami. Nakayahan niyang mag-sorry sa akin. That means something big, right? And then effort pa siya na maging friends kami. I know Bianca, and I'm sure she'll do the right thing. I know Xian, and he loves me.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon