Chapter 8- My Sweet Pre-Prom

2.8K 26 7
                                    

"Ito na ang pinakahihintay kong araw!", sabi ni Xian sa sarili niya na ang agang gumising.

Hindi matanggal-tanggal ang ngiti niya. Para siyang kriminal na kakalabas lang ng bilangguan. Kinuha ni Xian ang cellphone niya at tinawagan si Kim.

"Hello?", sabi ni Kim na kakagising lang at gusto pang matulog.

"Good morning!", sigaw ni Xian.

"Ang lakas naman ng boses mo? Ba't ka pala napatawag?", tanong ni Kim.

"Wala! Excited na ako para sa mamaya!", sagot ni Xian na tuwang-tuwa.

"Mamaya? Bakit?"

"Kim, prom ngayon!", tugon ni Xian.

"Ay! Oo nga pala. Pero mamaya pa namang 6:00pm diba? Teka may pasok pa tayo from 8:00-12:00nn diba?", tanong ni Kim.

"Oo meron. Sige, see you in school!", sabi ni Xian.

"Sige, bye!", sagot ni Kim.

Binaba na ni Kim ang cellphone niya at tumakbo papunta sa kuwarto ng kapatid niya. Kumatok siya, pero walang sumasagot, kaya pumasok nalang siya agad.

"Kathryn! Gising na!", sabi ni Kim na gulat na gulat nang makita na wala sa kama ang kapatid niya.

"Kathryn?", tanong ni Kim.

"Ate, naliligo ako sa banyo. Nahuli ka yata ngayon.", sagot ni Kathryn

"Ah, oo eh. Nagising lang ako nung tumawag si Xian. Nakalimutan ko yatang mag-alarm clock.", sabi ni Kim.

"Ate, dalian mo na para hindi tayo malate sa school.", tugon ni Kathryn.

"Sige.", sabi ni Kim na palabas na ng kuwarto ni Kathryn. Bumalik na siya sa kuwarto niya at nagsimulang maghanda para sa eskwela.

Mabilis siyang natapos at bumaba na para kumain ng breakfast.

"Good morning, anak!", bati ni Zheny kay Kim.

"Good morning, Ma!", sagot ni Kim.

"Anak, kumain ka na. Etong si Kathryn excited yata at ang agang nagising.", biro ni Zheny.

"Nay naman. Hindi naman po ako excited. Maaga lang po akong nagising dahil ayaw kong malate sa school. Pupunta muna po kasi ako sa library para tapusin yung research ko.", sagot ni Kathryn.

"Ah, sige.", sabi ni Zheny.

"Palusot pa siya.", biro ni Kim.

"Ate, ano ba?!", sabi ni Kathryn.

"Wala wala. Sige na, kain na tayo.", sagot ni Kim.

"Mamaya pala, susunduin ko kayong dalawa at aayusin kayo mamaya para mas maganda pa kayong tingnan sa prom niyo.", sabi ni Zheny.

"Sige po, Nay. Hanggan 12:00nn lang naman po kami ngayon.", sagot ni Kim.

Nagsimula na kumain ang pamilya nila.

Habang sa bahay naman nila Xian:

"Good morning, Ma!.", bati ni Xian.

"Good morning, anak! Bakit ang aga-aga mo yata ngayon? at sobrang happy?", tanong ni Xian.

"Ma, today's the day!", nakangiting sabi ni Xian.

"Anong day?", tanong ni Menchu.

"Ma, today is the prom. Sa wakas makakasama ko na rin si Kim sa prom!"

"Ah. Oo nga pala. Anak, I had your clothes ready since last week. And the car is yours until tomorrow, nandiyan naman yung driver. Dito na siya matutulog, hindi na siya uuwi.", sagot ni Menchu.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon