Chapter 4- Development

3.5K 25 1
                                    

Sa susunod na araw, maagang dumating si Kim at Kathryn, pati na rin si Xian at Daniel.

Inihatid ni Kim si Kathryn sa kanyang classroom, tutal madadaanan niya naman ito.

"Kathryn, wag kang magpapahuli sa pag-uwi ha? Nakakahiya naman kung hihintayin pa nila tayo, eh nakakisakay lang naman tayo kila Xian.", sabi ni Kim.

"Oo, Ate. Wag kang mag-alala. Hindi naman talaga ako nagpapahuli. Ang sabihin mo, ang mokong na Daniel na iyan.", inis na sagot ni Kathryn.

"Hayaan mo na yun, sa kanila naman yung kotse eh. May karapatan sila.", sabi naman ni Kim.

Biglang dumating si Xian at Daniel.

"Hi guys! Hi Kathryn!", sabi ni Daniel, sabay kinindatan si Kathryn.

"Hi.", sagot nalang ni Kathryn na tinatago ang inis.

"Ba't nga pala hindi ka nagreply sa mga text ko? Nareceive mo ba?", tanong ni Daniel.

"Oo, nareceive ko. Wala lang kasi akong load kagabi. Sorry ha.", inis na sabi ni Kathryn kay Daniel.

Biglang dumating si Julia.

"Kathryn, paano ka naman mawawalan ng load? Eh diba postpaid ang sim mo? Ibig sabihin, hindi ka nawawalan ng load.", sabi ni Julia.

Tiningnan naman ni Daniel ng mabuti si Kathryn.

"Ha? Eh, busy ako kagabi eh. Sa sobrang busy ko, hindi ko nalang ikaw nireplyan.", sagot ni Kathryn.

Nagpaalam nalang si Kathryn at pumunta sa kanyang upuan at nagbasa.

Si Daniel naman ay naguluhan. Ano kayang nagawa ko? Wala naman akong nagawang masama ah. Ganoon lang ba talaga yun?

Napaisip rin si Julia. Ba't naman nagtatampo si Kathryn? Baka naman gusto niya si Daniel. O baka galit siya sa akin.

Umalis na si Kim at Xian sa classroom nila Daniel para pumunta sa classroom nila.

"Good morning nga pala!", sabi ni Kim kay Xian.

"Good morning din!", sagot naman ni Xian.

Nakita ni Xian na maraming dala na libro si Kim, at halatang nabibigatan siya dito.

"Uh, Kim, ang dami naman yata ng libro mo? Mukhang nabibigatan ka. Kailangan mo ba ng tulong?", tanong ni Xian.

"Ok lang ako. Kaya ko to.", sagot ni Kim.

Pagkatapos ng ilang hakbang, may nagtulak kay Kim sa likod at nahulog niya ang limang libro niya. Pinulot naman ito agad-agad ni Xian.

"Oh, ang kulit mo rin eh. Ako na ang magdadala nito. Ok ka lang ba?", tanong ni Xian kay Kim.

"Okay lang ako. Sorry ha. Naabala ka pa.", sabi naman ni Kim.

"Okay lang sa akin to.", nakangiting sabi ni Xian.

"Salamat!", sabi naman ni Kim.

Pagdating nila sa classroom, nakita ni Kim agad si Maja.

"Good morning, Maja!", bati ni Kim.

"Hi, Kim! at Xian!", sagot naman ni Maja.

Nilapag ni Kim ang bag niya sa kanyang upuan. Nilagay naman ni Xian ang mga libro ni Kim sa desk niya. Napansin ni Maja na sabay pa talaga silang pumasok sa classroom at si Xian pa ang may hawak ng libro niya. Hinila niya si Kim at pumunta sila sa gilid.

"Uy, Kim. Ibang development na iyan ha. Sabay pa talaga kayo pumasok sa classroom at talagang siya pa ang nagkarga ng libro mo ha. Yiee!", sabi ni Maja.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon