Chapter 13- Bad News

2.6K 21 8
                                    

Kim's POV

Nakakapagod naman ang araw na to, atleast natapos ko na lahat ng mga exams at requirements ko. Monday pa lang ngayon. Official na to, 1 week nalang before graduation. In 5 days, gaganapin naman ang Pre-Graduation Party namin, sa Saturday na rin pala yun. Formal party yun, and si Xian ang escort ko. Yes, partner ko siya, as always. And gusto ko nga iyon eh, alam kong safe ako pag siya ang kasama ko. Ano nanaman kaya ang susuotin ko? Mamaya ko na nga iyan iisipin, gusto ko munang magpahinga.

Pupunta muna ako sa locker ko para makuha lahat ng school materials na hiniram ko para mabigay ko na ang clearance form ko sa adviser namin, at wala na akong aalahanin pa. Malapit na ako ng biglang tinulak ako ng isang lalaki na tumatakbo, natamaan ko ang ulo ko sa locker.

"Aray!", sigaw ko.

"Sorry Kim!", sabi ni Mark na tumatakbo pa din, hinahabol niya ang Math teacher namin. Bumagsak siguro, at humihingi ng extra projects para makabawi.

"Okay ka lang?", tanong sa akin ni Gerald na nandoon lang din pala.

"Medyo masakit lang itong ulo ko", sabi ko habang hinahaplos ang ulo ko.

"Teka, diyan ka lang ha? Kukuha lang ako ng ice pack para sa iyo.", sagot ni Gerald na papunta sa clinic.

"Salamat.", tugon ko naman.

Hinintay ko siya. Maya-maya ay dumating na siya na may dalang ice pack.

"Kim, eto na oh. Gamitin mo to para hindi na ganoong sumakit.", sabi ni Gerald na ibinigay sa akin and ice pack.

"Salamat ha.", sabi ko sa kanya.

"Wala iyon. Siya nga pala, may escort ka na ba para sa Pre-Grad party?", tanong niya sa akin.

"Yup, si Xian. Ikaw?", balik ko sa kanya.

"Wala pa actually. Tatanungin ko pa lang si Sarah.", tugon niya.

"Ah."

"Sige, alis na ako. Pupuntahan ko lang si Sarah.", sabi niya.

"Okay, sige. Ingat!", sabi ko.

"Bye!", sabi naman niya.

Umalis naman na siya at pumunta na ako sa locker ko. Nilalagay ko pa din ang ice pack sa ulo ko na sobrang sakit. Linapitan ako ni Kathryn.

"Oh, ate. Ano ang nangyari sa iyo?", tanong ni Kathryn sa akin.

Bago ako makasagot, dumating din si Xian.

"Kim, anong nangyari sayo?", tanong sa akin ni Xian.

"Kase, tumatakbo si Mark kanina,hinahabol ata yung Math teacher niya. Tapos natulak niya ako, natamaan ko yung ulo ko sa locker. Nandoon si Gerald kanina, kaya kumuha siya ng ice pack para sa akin.", sagot ko.

"Masakit pa ba? Gusto mo pumunta sa clinic?", sunod-sunod na tanong sa akin ni Xian.

"Ate, may bukol ka ba?", tanong sa akin ni Kathryn.

"Wala no. Okay na ako.", sabi ko na medyo naiirita na sa kanilang dalawa.

"Anyway, Kim, pwede ba kayo ng family niyo mamaya, for dinner sa park sa village? Kasama ko din sila mommy at Daniel.", sabi sa akin ni Xian.

"Kailan?", tanong ko.

"Mamaya.", simpleng sagot niya.

"Xian, pwede bang sa ibang araw nalang? Pagod kase ako ngayon eh.", sabi ko.

"Kim, pwede bang ngayon? Wala kase si mommy bukas and the day after kase may meeting siya sa Cebu. Please? For me?", pilit niya.

"Okay, sige.", sabi ko nalang na hindi ko siya tinitingnan.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon