Chapter 6- Be My Prom Date

3.1K 26 3
                                    

Sa susunod na araw, maagang pumasok si Kim at Kathryn. Habang papunta sila sa classroom, nag-usap ang magkapatid.

"Ate, pupunta ka ba sa prom?", tanong ni Kathryn.

"Hindi ko pa alam eh. Tinanong na nga ako ni Gerald, pero hindi ako pumayag. Ang dami ko kasi kailangang gawin na requirements, tapos maghahanap pa ako ng susuotin. Kagabi naman, tinanong ako ni Xian kung pwede ako ang maging partner niya sa prom. Tutulungan niya daw akong tapusin yung projects ko para makapunta ako sa prom. Ewan ko ba.", sagot ni Kim.

"Ate, pumayag ka na. Tutal tutulungan ka naman niya sa mga projects mo. Tsaka, kailangan mo din naman magrelax, once a year lang kaya yan, Ate. Tsaka, bagay kayo.", sabi ni Kathryn.

"Ano ka ba, Kathryn. Bestfriend ko lang siya. Eh ikaw? Pupunta ka ba?", tanong ni Kim.

"Mmm.. Oo.", nakangiting sabi ni Kathryn.

"Sino naman ang partner mo?"

"Si Daniel.", sagot naman ni Kathryn.

"Talaga? So tapos na yung tampuhan ninyo?", biro ni Kim.

"Ate, ano ka ba. Sabi niya naman hindi niya partner si Julia, kaya pumayag ako.", sagot ni Kathryn.

"Mmmm.. Sige. Mamaya nalang tayo mag-usap, pupunta na ako sa classroom. Bye.", sabi ni Kim.

"Sige,, Ate. Bye."

Habang papunta naman si Kim sa kanyang classroom, may nagmamadaling tumatakbo at tinulak siya. Nahulog niya naman ang limang libro na hawak-hawak niya.

"Ayy!", sabi ni Kim.

"Sorry, Kim. Nagmamadali kasi ako eh.", sagot ni Robbie.

"Okay lang, sige kaya ko na to."

Umalis na si Robbie at lumuhod naman si Kim para pulutin ang mga libro niya. Biglang may narinig nanaman siyang papunta na tumatakbo. Nakita niya na lumuhod din ang isang lalaki at tinulungan siyang pulutin ang libro niya.

"Ah, tulungan na kita.", sabi ni Xian.

"Ay, ikaw pala. Akala ko kung sino.", sagot ni Kim.

"Sa susunod, wag ka kasi sa gitna ng hallway maglalakad.", sabi ni Xian.

"Oo na. Sorry."

"Mag-ingat ka kase sa susunod. Ako nalang ang magkarga nito, baka mamaya, mabitawan mo nanaman.", biro ni Xian.

"Salamat.", nakangiting sabi ni Kim.

Sabay silang pumunta sa classroom.Pumunta sila sa upuan nila at nilagay ni Xian ang mga libro ni Kim sa desk niya. Pinuntahan ni Maja si Kim at kinausap siya.

"Ano, Kim, pupunta ka ba sa prom?", tanong ni Maja.

"Hindi ko pa alam eh.", sagot ni Kim.

"Ano ka ba, girl? Diba tinanong ka na ni Gerald?"

"Yun na nga eh, hindi ako pumayag. Tapos kahapon, tinanong naman ako ni Xian. Tutulungan daw niya ako tapusin ang mga project ko para makapunta ako sa prom.", sagot ni Kim.

"Oh, yun naman pala eh! So payag ka na?" tanong ni Maja.

"Ewan ko... Depende.", sagot ni Kim.

"Pumayag ka na!!", pilit ni Maja.

"Pag-iisipan ko muna.", sagot ni Kim.

Bumalik si Kim sa upuan niya.

"Kim, lalabas ba kayo ng pamilya niyo mamayang gabi?", tanong ni Xian.

"Hindi, bakit?", sagot ni Kim.

"Wala lang. Nagtatanong lang.", sabi ni Xian

'Ah, okay." sabi naman ni Kim.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon