Chapter 33- He's Gone Missing

2.2K 17 9
                                    

Dedicated to ThelmaTanDydzik. Thank you for being one of my avid readers. I really appreciate the support :)) Please continue to read, vote, comment, and be my fan! Thanks! Reminder lang po sa lahat ng nagbabasa, ibang tao po si Matteo, at ibang tao din si Matthew. Hindi po sweetness lahat, gusto ko po lagyan ng suspense, para hindi naman boring. Baka masanay po kayo sa ganda ng story na hindi niyo na maappreciate yung twist. Hehe. Anyway, enjoy reading.

Matthew's Point of View

Galing lang ako sa school. Nagtrain lang ako saglit for basketball. May tune up game kase kami kanina with La Salle. Practice game lang naman, and as usual, nanalo kami. So anyway, papunta na ako sa office ni dad, kailangan ko kase ipapirma itong parent's consent ko. Oo, napirma na niya yung consent ko dati para sa Tokyo, pero nag-iba nga diba? Sa Singapore lang pala ako pupunta, kasama pa yung dalawang nerds na iyon.

Nandito na ako sa building. Pag pasok ko, pinagtitinginan ako ng mga tao. Paano ba naman kasi, lahat sila naka business attire, tapos eto ako, nakasuot ng jersey, medyo pinagpapawisan pa. Hindi ako kilala ng lahat ng employees. Wala pa kasing formal introduction si papa para sa akin, pero yung mga medyo matanda na sa company namin, kilala ako. Agad-agad ako binabati ng mga manager.

"Good afternoon, Sir Matthew.", bati sa akin ni Mrs. So.

"Good afternoon, Ma'am.", sagot ko.

Nandito na ako sa labas ng office door ni dad. Kailangan ko muna magpaalam sa secretary bago pumasok, ganoon ang set-up na gusto ni dad. Yun daw ang tinatawag niyang organized.

"Good afternoon, Sir Matthew. Teka lang po, may meeting pa po si Sir Luke with investors from China.", sabi ni Angela, ang secretary ni dad.

"Thank you, Angela.", pasasalamat ko.

"Uh, Sir Matthew, ano po ang kailangan nila?", tanong ni Angela.

"Paki sabi kay dad na kailangan ko siya kausapin tungkol sa ESP at may kailangan siyang pirmahin na papeles para sa school.", sagot ko.

"Okay po. Wait lang, sir.", tugon ni Angela.

Kinuha niya ang telepono at kinausap si dad.

"Sir, nandito po si Sir Matthew. Kailangan daw po kayong kausapin tungkol sa ESP.", pagbanggit ni Angela kay dad. Maya-maya ay natapos na silang mag-usap.

"Sir Matthew, three minutes lang daw po. Kailangan daw niyang i-wrap up ang meeting.", sabi ni Angela.

"Okay, thank you.", tugon ko.

After three minutes, lumabas na nga ang ibang mga business men at pinapasok na ako sa office ni papa.

"Oh, Matthew, what do you need me for?", tanong ni dad.

"Uh, dad, you need to sign my parent's consent for the Exhange Student Program.", sabi ko.

"What for? Akala ko ba na-ayos mo na lahat ng papers mo for Tokyo.", sagot ni dad.

"Uh, dad. Nagbago ang mga assignments. Sa Singapore ako na-assign kasama si Regine at Francis.", sabi ko.

"Bakit?", tanong ulit ni dad.

"Uh, may mga bagong school na nagconfirm ng participance sa ESP, dad. Kaya may bagong group na po ako.", sabi ko na medyo nalungkot ng kaunti.

"And you don't seem to like your new grouping, huh?", tanong ni dad. Ganoon ba ka-obvious ang pagkalungkot ko sa change of grouping? Okay, he knows me good enough para malaman iyon.

Tumango lang ako.

"Bakit, sino-sino ba yung mga kasama mo sa grouping noon?", tanong ni dad.

"Si Kim at Sarah po.", sagot ko.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon