Chapter 21- Stanford Training for Her

2.5K 19 6
                                    

Kim's Point of View

Galit ba ako kay Xian o kay Bianca? Kay Xian ba dahil wala na siya dito para mahalin ako o kay Bianca dahil inaagaw niya si Xian sa akin? Unti-unti siyang nawawala. Hindi ko alam. Naguguluhan na talaga ako. Alam ko naman na may dahilan si Xian para umalis. Pero sa nakita ko kanina, nadisappoint ako. Nung inakbayan siya ni Bianca kanina, para bang tinanggal niya lang yung braso niya sa balikat niya dahil nandoon ako. Dati kase, pag may lumalapit lang na babae sa kanya, lumalayo na siya. Minsan naman pag may nagsabi sa kanya na gusto siya, sasabihin niya na taken na siya, na Kim's one and only lang siya. Pero kanina, iba siya. Hindi siya lumayo, naintindihan ko iyon kase nga ka-chat niya ako. Pero eto, hindi niya sinabi kay Bianca na sa akin siya. Siguro nga kung wala ako, hindi na niya tinanggal yung kamay ni Bianca sa balikat niya eh. Pagiging gentleman lang ba iyon? Ewan ko ba kung bakit pero nung umalis si Xian sigurado ako na kami hanggang sa huli. Pero ngayon, hindi ko na alam. Ni hindi ko nga alam kung mahal pa niya ako eh. Dati, pag nag "I Love You" siya, ramdam ko iyon, parang tumitigil ang pagtibok ng puso ko. Pero ngayon, hindi na, natutusukan ang puso ko. Dahil ba hindi na niya ako mahal o hindi niya talaga ako minahal? Xian, isang laro lang ba ang pagmamahal sa iyo? Alam ko naman na madali lang para sa iyo ang makahanap ng bagong babae eh, pero gusto kong malaman at maramdaman na totoo mo akong gusto, na totoo mo akong mahal.

Nalungkot ako sa inisip ko dahil mahal ko talaga si Xian. Hindi ko inisip na balang araw, tuluyan siyang mawawala. Ang long distance love affair daw, palaging nabibigo. Akala ko, makakayanin ko. Naisip ko naman na malulungkot ako, pero hindi sa punto na ayaw ko nang maghintay. Imagine ha, dalawang araw pa lang siya nawawala, sumusuko na ako. Ayaw ko ng masaktan. Pagod na ako sa mga sugat at hirap na nakukuha ko dahil sa pagmamahal. Oo nga, first love ko siya, pero ang first love ba forever? Siguro nga sa ibang mga tao, pero sa akin ba happy ending rin?

Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa park. Pumunta ako sa swing set, ang paborito kong hang-out place. Umiyak ako ng umiyak. Maya-maya, may narinig akong lumapit sa akin.

"Ate Kim, okay ka lang ba?", tanong sa akin ni Daniel. Mukhang kababasketball lang niya. Naka jersey pa siya at punong-puno ng pawis.

"Ay, Daniel, ikaw pala. Oo, okay lang ako, medyo naguguluhan lang.", sagot ko sa kanya.

Umupo siya sa kabilang swing.

"Bakit ate? Anong nangyari?", tanong niya.

"Wala, nalulungkot lang ako.", tugon ko naman.

"Alam mo ate, ang sabi ni Tita Menchu, umiiyak lang daw ang babae pag heart broken o sobrang saya. At dahil sinabi mong nalulungkot ka, ibig sabihin, heart broken ka nga.", sabi ni Daniel.

Tiningnan ko lang siya. Hindi ako makasagot. Oo, medyo heart broken nga ako.

"Ate, si Kuya Xian ba ang dahilan?", tanong ni Daniel.

Hindi ako kumibo. Oo, si Xian ang dahilan.

"Ate Kung, kung nagdududa ka sa pagmamahal ni Kuya Xian, wag. Ako na mismo ang magsasabi sa iyo na totoo ang pagmamahal niya.", sagot ni Daniel sa akin.

"Huh?", tanong ko naman.

"Alam mo ba na ikaw ang dahilan sa kung bakit kailangan kong magising ng 5:30am para makapunta sa school?", sabi niya sa akin.

"Ako? Eh diba kailangan naman talagang maging maaga pag pumunta sa school?", tanong ko naman.

"Oo, pero gusto ni Kuya Xian, mas maaga para maksama ka. Alam niya kasing early bird ka palagi.", sabi niya.

Ngumiti ako sa sinabi ni Daniel. Atleast kahit sa maliit na bagay na iyon, alam kong totoo nga ang pinagsamahan namin.

"Ikaw rin ang dahilan sa mga sleepless nights ko.", sabi niya.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon