Chapter 5- Buddy Buddy System

3.1K 27 2
                                    

Lumipas ang ilang buwan. Nagkakilala silang lahat, pero naging busy rin sila. Tinuring na ni Kim at Xian ang isa't isa na mag bestfriends. Hindi naman nawala si Enchong kay Kim, pero nakita ni Kim na unti-uting lumalayo si Enchong sa kanya. Siguro panahon na rin para maghanap din ng ibang bestfriend si Enchong, tulad niya. Nakita naman ni Kim na maligaya si Enchong kay Erich, kaya naman gusto niyang kinausapin Erich tungkol dito. Lunch time noon, kaya sabay naman kumain ang mag barkada.

"Uh, Erich, pwede ba kitang makausap mamaya?", mahinang sabi ni Kim.

"Oo naman. Ano ba yung pag-uusapan natin?", tanong ni Erich.

"Mamaya nalang.", sabi naman ni Kim.

Tumabi naman si Xian kay Kim.

"Hi, Kim! Oh, ano, tuloy ba ang review natin mamaya? Pwede namang sa bahay namin, para makita ka na rin ni mommy.", tuwang sabi ni Xian.

"Eh, Xian, marami talaga tayong kailangan gawin eh. Marami tayong projects. Uunahin ko muna yung mga projects ko bago magreview. Pwedeng next week nalang? Sorry, alam kong nagpromise ako, kaya lang kailangan ko itong tapusin. Naging busy kase ako doon sa seminar. Hindi ako pumunta ng klase for 5 days, kaya ang dami kong hindi nagawa sa klase.", sabi ni Kim.

"Ede, kung ganoon, tutulungan nalang kita. Tutal ako, nagawa ko na lahat ng projects, nasubmit ko na. May free time tayo mamaya, at may buddy time pa tayo.", sagot ni Xian.

"Sigurado ka? Eh, baka naman may kailangan ka pang gawin.", sabi ni Kim.

"Wala na nga. Sige na oh. Hindi na nga kita nakita ng 5 days eh. Alam mo bang mag-isa lang ako tuwing buddy time, ang lungkot kaya noon.", sabi ni Xian.

"Sorry talaga. Kinailangan ko kasing umattend dun sa Career Convention nayun, nirecommend kasi ako ng principal, tapos ngayon ang dami kong kailangan gawin.", lungkot na sabi ni Kim.

"Ok lang yan, tutulungan kita.", sabi ni Xian kay Kim habang inaakbayan siya.

"Salamat.", sabi naman ni Kim kay Xian na nakangiti.

Sabay na silang dalawa pumunta sa classroom. Pero bago pumunta sa classroom, pumunta muna sila sa kanilang mga locker. Pagbukas ni Kim ng kanyang locker, may nakita siyang maliit na papel na naka palipit sa isa sa kanyang mga libro. Binasa niya naman ito ng mahina.

Hi, Kim! Have a nice day! <3

Nakita naman ni Xian na nakangiti si Kim habang binabasa ito.

"Oh, ba't ang saya mo yata? Ano iyan?", tanong ni Xian.

"Ah, hindi ko nga alam eh. Have a nice day daw. Wala namang pangalan.", sabi naman ni Kim.

"Ah.", sagot ni Xian.

Naguluhan si Xian. Sino kaya yun?

"Ano, tara?", nakangiting sabi ni Kim.

"Mmmm...Sige.", sagot ni Xian.

Pumunta na sila sa classroom. Nilagay muna ni Kim ang bag niya sa upuan at pinuntahan si Erich.

"Erich, pwede na ba kitang makausap?", tanong ni Kim.

"Oo naman. ", sabi ni Erich.

"Erich, bestfriend ko si Enchong, alam mo iyon diba?", tanong ni Kim.

Tumango lang si Erich.

"Erich, sana alagaan mo ang bestfriend ko. Wag mo siyang sasaktan. Alam kong magkaibigan lang kayo, pero iba ang pagtingin niya sa iyo, Erich. Sana maintindihan mo iyon.", sabi ni Kim.

"Kim, alam ko iyon. Wag kang mag-alala, hindi ko siya sasaktan.", nakangiting sabi naman ni Erich.

Bumalik si Kim sa kanyang upuan.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon