Chapter 15- His Grand Preparation

2.7K 22 3
                                    

Kim's Point of View

Ang aga ko nanaman nagising. Wednesday na ngayon, ibig sabihin, pitong araw nalang bago umalis si Xian at limang araw nalang bago graduation. Ang bilis naman ng panahon. Kung kailan mo gustong tumigil ang oras, doon ito bibilis. Kung gusto mo namang bumilis ang oras, parang bumabagal ito.

Tiningnan ko ang orasan, 5:00 am pa lang. Maaga nga. Mabuti na rin siguro iyon kase maagang dumadating si Xian para lang sunduin ako. Ba't kase ang aga nun? Dibale, maganda na rin yun, para sabay kaming kumain ng breakfast. Maghahanda na nga ako para sa school para hindi na si Xian maghintay pa ng matagal dahil sa akin.

Tumayo na ako ng kama. Nakita ko si Celine na mahimbing pa din ang tulog. Hindi siguro siya nakapagpahinga ng maayos sa eroplano. Mabuti pang wag ko na siyang gisingin para tuloy-tuloy lang ang pahinga niya.

Nagsimula na akong maghanda para sa school. Sinuot ko lang ang best skinny jeans ko at ang bestfriend t-shirt namin ni Xian. Ang cute kayang isipin pag pareho kaming nakasuot ng t-shirt na yun. Sana yun ang suot niya, pero siguro nagsawa na din siya sa kakasuot dun. Alam ko kasing paborito niyang t-shirt yun. Naalala ko yung sportsfest namin. Hindi ko nga napansin na suot niya din pala yung t-shirt niya na yun, ang cute tingnan, inakbayan pa niya ako. Sporty look yata ang gusto ko ngayon, kaya sinuot ko ang white Converse shoes ko. Tinali ko na din ang buhok ko para complete sporty look ngayon.

Tiningnan ko ang orasan. 6:30am na, sigurado akong nandiyan na si Xian.

Bumaba na ako sa sala. Tama nga ako, nandoon na siya. Mukhang hindi yata siya nakatulog at humihikab siya.

"Good morning, Xian!", bati ko.

"Good morning, Kim! Uy, matching tayo ngayon ah.", sagot niya.

"Oo nga noh? Ang cute naman! Mag bestfriends talaga tayo, nababasa natin ang ulo ng isa't isa", sagot ko, pagkatapos ay tumawa.

Ngumiti lang siya.

Kinuha ko ang mga kamay niya at hinila siya para tumayo na siya.

"Halika, kain na tayo. Sigurado akong hindi ka pa nagbrebreakfast.", sabi ko.

Ngumiti lang siya.

Hinila ko na siya papuntang dining table at nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain kami, nakita ko na pababa na si Celine. Pinuntahan niya kami.

"Hi guys, good morning!", bati niya sa amin ni Xian.

"Good morning, sleepyhead!", sabi ko sa kanya. Hindi pa rin niya inaayos ang magulong buhok niya.

"Sorry, I woke up late. I was tired.", sabi niya.

"Okay lang yun, magpahinga ka lang.", sagot ko.

Bigla kong naalala na hindi ko pa inintroduce si Celine kay Xian.

"Xian, ito nga pala si Celine, ang dakila kong bestfriend since birth. Celine, ito nga pala si Xian, ang dakila kong knight in shining armor.", sabi ko.

Tumayo si Xian at nagkamayan sila ni Celine.

"You look familiar.", sabi ni Celine kay Xian.

"Ikaw din eh. Where have I seen you?", sabi ni Xian na nag-iisip.

"Wait! Ikaw si Xian, as in Xian Lim-Uy?", tanong ni Celine.

"Yeah, that's me!", sigaw ni Xian.

"Ikaw yung classmate ko nung Grade 5 sa Shorewood Academy diba?", tanong ni Celine.

"Ah yeah! Ikaw si Celine Ang! Yung class president nung Grade 5 tayo.", tugon naman ni Xian.

"That's right.", sagot naman ni Celine.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon