Chapter 31- Declined Birthday Wish

2.3K 24 7
                                    

Guys, eto na ang standard ko. 7 commenters and 10 votes, okay? Kulang yung comments sa last chapter. Please guys, I need your help. Sana kapalit ng pagbabasa niyo ng story ko eh magcomment kayo at i-vote niyo. Thank you guys! I hope you like it!

Kim's Point of View

"Visit me? Come here on my birthday, Xian? Kaya ba?", tanong ko sabay pacute.

Nakita kong biglang nalungkot si Xian. Mukhang nawalan ng gana. Oo nga naman, masyadong mahirap itupad ang birthday wish ko. One-on-one training na nga niya eh, tapos may business convergence din siya, basketball varsity. Siyempre, mahirap isingit yung birthday ko, masyado ng hectic para kay Xian. Ayaw ko namang pahirapan siya diba?

"Babe, hindi ko alam. Alam mo namang I have to go to that business convergence and one-on-one training diba? And next week din ang game namin sa basketball.", mahinang sagot ni Xian sa hiling ko.

Sumimangot ako. Hindi siya makakapunta sa 17th birthday ko. Actually, inexpect ko na hindi siya makakapunta, kasi alam ko namang busy siya, and malayo. Buti sana kung two hours away lang siya, diba? Kaso halos isang araw ang biyahe para lang makita niya ako. Anyway, hindi naman masyadong special ang gagawin ko sa birthday ko. Plano ko lang sana ilabas ang barkada. Kakain lang tapos mamamasyal. Yun lang. Ayaw ko namang pagalitan si Xian ng tatay niya dahil hindi siya pumunta sa business meeting, alam kong malaki ang expectations ni Tito Edison sa anak niya. Ayaw ko rin na hindi si Xian maka-attend sa one-on-one training with Professor Chase, siyempre para sa pag-aaral niya yun. It's for his future.

"It's okay, babe. Naiintindihan ko naman.", tugon ko. Pinipigilan ko lang hindi umiyak sa harap niya. Miss ko na talaga ang bestfriend, boyfriend, and knight in shining armor ko. Bakit ba kasi hindi pwedeng nasa isang lugar nalang lahat ng mga tao? Para wala ng hiwalay, diba?

"Babe, sorry. I really really want to be there, believe me, kaso alam mo namang kailangan ko tong gawin.", paumanhin ni Xian na halatang malungkot na rin.

"Babe, okay lang sa akin. I know you have a lot of responsibilities there na kailangan mong gawin. Basta promise me you'll visit soon, okay?", tanong ko.

"Yes. And I'm really sorry kung hindi ako makakapunta. I promise na babawi ako sayo. Promise talaga.", nag-aalalang sagot ni Xian.

"Sinabi mo iyan ha. Don't worry, babe. Hindi ako galit. I definitely understand kaya wag ka ng mag-alala diyan, okay? It's fine.", panigurado ko sa boyfriend kong halatang wala na sa sarili.

Ngumiti siya. Ano ba naman kasing klaseng birthday wish iyon? I'm making him choose between me and his future. Siyempre, future niya ang pipiliin niya, diba? Napaka-out-of-place ko talaga ngayon.

"Aasahan ko ang pagbalik mo ha?", sabi ko sabay pacute nanaman. Ganyan kasi ako kung gusto ko siyang iconvince.

"Oo naman. Ako pa? Eh hindi nga kita matiis eh, diba?", naki-ride na din si Xian.

"Oo naman noh! Hehe.", sagot ko.

Tiningnan niya ko. Oo alam kong sa screen lang pero feeling ko katapat ko talaga siya dito. Ako na ang weird. Ganoon lang talaga siguro ako sa sobrang pagkamiss kay Xian, naiimagine kong nandito siya.

"So, anong oras ang pasok mo ngayon?", tanong ko.

"Uh, 10:00am pa. Late morning classes ang kinuha ko this week kase lately, medyo late na ako matulog sa kakareview.", tugon ni Xian. Sa mukha niya, mukha ngang pagod. Tumawag pa ako ng ganito kaaga. Purkit gusto kong tumawag, tumawag nalang bigla. Hindi ko man lang inisip na natutulog pa pala ang boyfriend ko.

"Ah, ganoon ba? Sige, para makapagpahinga ka na, hindi na kita iistorbohin. Tulog ka na ha? Have your rest.", sabi ko kay Xian.

"Ayaw mo na akong kausapin?", tampo pa niya.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon