LA-Seven

47.9K 1.3K 34
                                    

LA-SEVEN [Where it starts.]

AUDRIE

"Oo na! Ang kulit mo po!" Nakakainis talaga ang lalaking to! Pauwi na kasi kami galing quantum Manor, at ang walanghiya, kanina pa ko inaasar.

"Tignan mo yung ilong mo oh! Pwede nang mag steem ng shopao!" Kasunod ang napakalutong at tuwang tuwang tawa nya. Bwisit talaga.

Tinignan ko sya ng masama "Please lang, tumahimik ka na Syl, iyon kung gusto mo pang mabuhay." tumahimik naman sya bigla. Pero nakikita ko parin sa gilid ng mata ko ang pag pipigil ng tawa.

Tumigil na kami sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng dorm for girls.

"Sige. Pasok ka na." Sabi nya. Tumango na ko at pumasok. Pero tumigil din ako at tumingin sakanya.

"Pag pasok ko, pwede ka nang tumawa." Inirapan ko sya at naglakad ulit. "Baka kasi pag pinigil mo yan, kung saan pa lumabas yan."

Narinig ko na bigla yung tawa nya. Napailing nalang ako.

"Wait Zyle!" Tumigil ako at binigyan sya ng Why-Look.

He smiled, that makes my heart feel warmth.

"I really enjoy this night. I hope you enjoy it too." Tapos tumalikod na sya at naglakad ulit.

I smiled. Kulit nya grabe!

--

"Jas, papasok ka na?" Tumango sya, pero bigla din lumapit sakin.

"Is there something wrong?" Bigla nyang nilagay yung palad nya sa noo ko.

"Ghad! Nilalagnat ka na pala, hindi mo manlang sinabi sakin, ano ba yan! Wait!" Natatarantang sabi nya sabay punta sa kusina. Pagbalik nya may dala na syang bimpo at Planggana.

Nag try ako n tumayo, pero humiga din agad dahil sa sobrang hilo, and anytime feeling ko babagsak ako.

"Wag ka muna tumayo. Just take a rest first." Sabi nya sabay punas sa mukha ko ng bimpong basa

"Eh, may pasok kaya ngayon, ayoko mag absent."

"I'll excuse you."

"Papasok nga kasi ako Jas!"

Tumigil sya sa pagpupunas sa mukha ko at tinignan ako ng masama. Tinaas ko nalang ang dalawang kamay ko.

"Woah, Oo na! Oo na!" Pinagpatuloy nalang nya ang pagpupunas ng mukha't katawan ko.

"After this. Magpahinga ka muna. I'll prepare your food, then take your medicine." Tango lang ang sinasagot ko sa mga sinasabi nya. "Anong oras ka ba kasi umuwi kagabi at nag kaganyan ka."

"Nga pala. Bakit ngayon ka lang umuwi? Dalawang araw kitang di nakita ah." Pag iiba ko ng usapan, actually lumabas pa talaga ako kahapon pagkatapos ako ihatid ni Syl, hindi nya lang alam kasi tulog na sya pagdating ko.

"May inasikaso lang ako kaya di ako nakauwi, kaya ko pa naman kaso medyo inaantok ako."

"Ahh. Sobrang importante siguro non kaya di ka na nakakauwi, basta wag mo kakalimutan kumain ha? Para mag lakas ka kahit wala ka masyadong tulog." She stop and looked at me.

Napadiin yung hawak nya sa bimpo kaya napiga at nalaglag yung ilang drops ng tubig, "Ay, sorry, sorry Drie." Taranta nyang sabi at pinunasan ang nalaglag na butil ng tubig sa balikat ko. "Oo, importante nga yung inaasikaso namin, hindi ko maiwan, pasensya na." Sagot pa nya.

"Okay lang Jas, sige na, late ka na oh, baka mapagalitan ka." Sabi ko sabay tulak ng mahina sakanya

"Hindi pa kita napagluluto. Sandali lang, hindi ko alam na magkakasakit ka, sana pala chineck kita kanina, akala ko kasi okay ka." Sabay tayo nya at akmang pupunta sa kitchen.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon