LA-Nine

43.1K 1.1K 41
                                    

LA-Nine [Where it starts.]

---

Nagising ako sa isang kwarto na may pintura na puti, wala akong nakikita na kahit anong klase ng gamit, nagmukha tuloy akong nasa isang malawak na lugar. Inikot ko pa ang paningin ko, para humanap ng kahit pinto o bintana manlang.

Hindi ako pamilyar dito, pero alam ko na panaginip to, i was once a lucid dreamer, pero ilang beses ko lang naman nagawa yon, dahil muntik na akong hindi makabalik nang mapunta ako sa isang panaginip, kaya simula non, hindi ko na ulit ginawa yon.

Napatigil at napapikit ako ng biglang may umilaw sa harapan ko, ilang minuto ang lumipas at napag pagpasyahan ko nang dumilat. Napa kunot ang noo ko dahil sa bumungad sakin.

"Who are you lady?" Takang tanong ko, pero imbis na sumagot ay ngumiti sya. She's wearing a color blue clothes that looks like from the greek times, her hair is white as this room is and long, that i can't figures out if it is really hers, she also has a tatto, same as my necklace, that complement with her ocean blue eyes.

"It's nice to see you, you've grown so beautiful, and mysterious." She greeted with a great smile in her face.

"What are you saying?" Kunot noo ko na tanong, hindi ko alam kung bakit nya sinasabi yon, pero halata naman na kilala nya ko base sa klase ng pagsasalita at sa choices of words nya.

"May mensahe lang ako na gustong iparating." Kahit nagtataka, tumango nalang ako. "It will be a very tough mission for you, but they know that you can get through these, you will have friends, foes, tragic decision, but everything will be alright."

"What? Ano po ba ang nangyayari? Care tp enlighten me?" May bahid ng iritasyon at pagtataka ang boses ko, alam ko, kasi ako mismo napansin ko yon.

Pero umiling sya. "Patawad, kahit ako ay hindi ko alam, ito lang ang mensahe na ipinaabot saakin ng nasa taas, tanggapin mo nalamang ito." Sabi nya pa.

"Sino ba ang nasa taas? Tsaka bakit nyo sinasabi saakin to?" Kunot noo ko na tanong.

"Be prepared." Pagkatapos niyang sabihin yon ay unti unti nang nawala ang pigura nya sa paningin ko, at napalitan ng kakaibang liwanag.

Nagising ako ng bigla nalang akong malaglag sa kama ko. "Shit." I muttered, at agad na hinawakan ang likod ko na tumama sa sahig dahil sa pagkakabagsak ko. Sino ba naman kasi ang garapal na 'yon at grabe naman kumatok? Sisirain yata ang pinto namin.

Napabuntong hininga nalang ako, tumayo at agad na binuksan ang pinto. Sumalubong sakin ang nakingiting mukha nila Blue at Red, naging kaibigan ko na sila simula nung nakasama ko sila sa pag kain, hindi naman sila mahirap magustuhan dahil masaya silang kasama.

"Drie! Ano ba naman? Bakit di ka pa naka bihis?"

"Bakit? May usapan ba tayo na may pupuntahan?" Wala akong maalala na may pupuntahan kami ngayong araw, kaya hindi ako maagang gumising. Napuyat nanaman kasi ako kagabi, napamura nanaman ako dahil hindi ko naalala na dalhin ang pills ko nung umuwi ako nung isang araw sa bahay, napatingin ako sa mga babae sa harapan ko, they both rolled their eyes

"Duh. You are so makakalimutin na talaga no?" Maarteng sagot ni Blue at inirapan ako, kaya tinawan ko nalang sya.

"Bakit ba kasi?" Humalukipkip ako, this time sabay na silang umirap.

"Pwede ka kasing lumabas ngayon, let's go!" Napakunot ang noo ko sa sinabi nila.

"Bakit, kayo ba laging pwedeng lumabas ng school?" Tumango naman sila. "Hindi ba kayo nag aaral dito? Paano kayo nakapasok?"

"Secreeeet!" Sigaw nila tsaka ako tinawan. Mga wirdo talaga sila. "Tara na! Punta tayo ng plaza!"

Umiling ako, plano ko nang pumasok at bumalik ulit sa higaan, inaantok pa talaga ako. "Kayo nalang. Inaantok pa ko." Sabi ko, at tuluyan nang pumasok sa loob.

Lecquares AcademyWhere stories live. Discover now