LA-Five

58.9K 1.4K 67
                                    

LA-FIVE [Where it starts.]


Third Person's POV

He is currently looking with her. He can't help but to smile, seeing how amaze she was while looking at the whole academy. He gritted his teeth when he saw another man she's laughing with. He got calmed a bit when he saw his girl. Her pale skin, her small eyes, pinkish cheek that compliment with her redish and smiling lips, and her waist length black hair, that made her more taller than what she is.

'The hell.' He muttered.

He's fvcking Jealous how that man man can freely hold His Girl.

'Fvck. This is bullshit, that motherfvcker, i'm going to kill him, i promise.' The last word he said before jumping out.

AUDRIE

"Grabe! Ang ganda!" Nasabi ko nalang pag punta namin sa Open field kung saan gaganapin ang Festival. Kaso wala naman akong kasama, pero sobrang lively ng paligid, walang pwesto para malungkot.

"Yes, indeed."

"Ay tae!" Naisigaw ko nalang at agad na tinignan kung sino ang nang gulat sakin. "Justine naman eh! Bakit ba bigla ka nalang lumilitaw dyan? Wala manlang pasabi, kainis ka." Tumawa naman sya at ginulo ang buhok ko, take note naka braid ako. "Ano ba! Wag ang buhok ko. Kinuha ko ang salamin ko sa pocket ng pants ko at inayos ang konting buhok na nagulo saakin.

"Sorry na, akala ko naman alam mo na nandito ako sa tabi mo." Natatawa parin nyang sabi. "Bakit ba mag isa ka? Nasan yung mga kasama mo? Nakita nung nakaraan sa illuminate garden nung nakaraan."

"Oo, nag usap kasi kami non tungkol sa mga booths na gagawin namin today, pero tapos na." Tumango naman sya. "Teka, bakit ba pag nakikita kita lagi ka nalang mag isa? Loner ka ba?" Tanong ko.

Tumawa naman sya, at umiling. "Hindi. Busy lang talaga sila, pero mamaya darating na din yung mga yon."

"Marami ka bang kaibigan? Tsaka anong section ba kayo?"

"Hindi naman marami, ilan lang kami, magkakasama kami sa isang section. Malalaman mo kung ano yon, sectioning nyo na next week diba?"

Tumango ako, dahil naalala ko na sinabi yon ni Jas. "Oo, sinabi sakin ng kaibigan ko."

"One of this days, may magpapamigay na ng mga bracelets, don nyo malalaman kung saan ang designated section nyo, tapos yung mga makakasama mo don, sila na din makakasama mo habang nandito ka sa Academy." Mahabang paliwanag nya, yun ang hindi nabanggit sakin ni Jas.

Umakbay sya sakin, kaya sabay na kaming naglakad. "Pero anong section ka ba? Tsaka bakit hindi ka ba bibigyan ng bracelet?"

Naramdaman ko ang pag iling nya dahil sa galaw ng balikat nya, mas matangkad nga kasi sya saakin.

"Nope, kung ano yung section ko, yun na talaga, hindi na kami matatanggal don."

Tumango naman ako. "Eh pero bakit? Matagal ka na ba na student dito?"

Nagkibit balikat lang sya. "Basta, see you nalang sa sectioning." Tinanggal na nya ang pagkaka akbay nya sakin tsaka humarap. "Need to go na Drie, puntahan ko muna mga tropa ko, baka miss na nila ko, kawawa naman." Tumango naman ako at ngumiti, natawa pa ako dahil sumaludo pa sya bago umalis.

Pag alis nya, naglakad na ulit ako, ang hirap talaga pag walang kakilala tapos may ganitong event na walang classes, hindi ko pa ulit nakikita si Jas, at Syl. Hindi ko alam kung nasaan sila.

"Zyle!" Tinignan ko agad kung sino ang tumawag sakin. "Bakit mag isa ka?" Tanong nya.

"May kasama ako kanina pero umalis na, may pupuntahan pa kasi sya. Bakit ngayon ka lang?"

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon