LA-Nineteen

33.6K 1K 52
                                    




          LA-NINETEEN [Where it starts.]

---

AUDRIE

"Okay, take a 10 minute break." After he said that biglang nawala si sir Zaikel. Pabagsak akong nahiga sa damuhan. Grabe, sobra ko'ng napagod. Agad na inabot ko ang bottled water na dala ko kanina bago dumiretso dito.

3 days simula nung mag start akong mag training, gabi nalang ako nakakalabas dito sa training room. I can say na madami na kong natututunan, pero not everything of course, isama mo pa na magaling ang nagtuturo sakin, talagang detalyado sya kung magturo, though hindi ganon kadali.

Like what he said 3 days ago, lahat ng training na ginagawa ko puro kung paano mapapalakas at mapapabilis ang physical ko. 2 weeks daw ang training na gagawin namin, then pagkatapos mag fofocus naman kami sa ziel ko.

Yes. Nakakapagod talaga ng sobra, but at the same time nakakatuwa, marami ako'ng natututunan na mga bagong bagay bagay. At nakakatuwa dahil kung dati, for self defense ang rason ko kung bakit ko pinupursue to, ngayon hindi na, nabago na, ngayon ginagawa ko na to to help the academy. Dahil bago kami mag start sa training, kinuwento sakin ni Sir Zaikel ang whole story about the academy.

Flashback.

Pabibilisin natin ang reflexes at thinking mo." Pagkatapos nyang sabihin yon, feeling ko nahilo ko at parang yumayanig ang lupa. Kasabay non ang pagkakarinig ko sa tunog na ayoko na ulit marinig.

"Rawwwrrrr!"

Ugh! Bakit may oso at tigre ditooo?!

Mabilis akong tumalon at kinuha ang dalawang maliit na kutsilyo sa bulsa ko. Bigay to sakin ni Daddy, at lagi 'ko to'ng dala. Hinintay ko silang makalapit atska hiniwa pareho sa binti. Kahit hologram lang sila sabi sakin ni Sir, para silang totoo kapag nasa training na.

"Ughh!" Napaupo ako ng maabutan ako ng oso at kalmutin sa kaliwang braso, medyo malalim ang sugat ko kaya nagsimula na itong dumugo.

"First lesson, be alert." Sabi bigla ni Sir.

Tumayo ako at tumakbo ulit, pero hindi pwedeng ganito, ako lang ang mapapagod at masasaktan pag nagkataon, kailangan unahin ko muna ang isa. Tumigil ako sa pagtakbo, pero sila tuloy tuloy lang.

Yumuko ako ng palapit na sila. Hiniwa ko ang kaliwang binti ng tigre, napatigil sya at napaungol. Kaya sumugod na ko ulit at hiniwa sya sa bandang dibdib, at sinipa sa tiyan nya, kaso bigla nalang syang nawala.

Yes! Natapos na ko sa i-

"Ahhhh!" Nagulat ako ng bigla akong hinawakan at hinagis ng oso, naramdaman ko ang matigas at malamig na semento na pinag hagisan sakin. "Damn." I muttered, at pinunasan ang dugo na lumabas sa bibig ko.

"Second lesson, Don't be at ease when you're still in the battle."

Napaubo nalang ako sa sakit na naramdaman ko, grabe to ah! Ang sakit na ng katawan ko! Hinawakan ko ang braso ko dahil hindi ko na masyadong maramdaman ito, namamanhid na, nabugbog na, ito kasi ang laging tinatamaan.

Dire-diretso siyang sumugod papunta sa pwesto ko, pero hindi pa sya nakakalapit hinagis ko na sa kanya ang isa sa mga hawak kong kutsilyo, kasabay non ang pagtakbo at pag sipa sakanya, napaupo naman sya, sabay inihagis ko na ang isa pang kutsilyo na tumama sa ulo nya. Tapos bigla nalang syang nag fade. Napaupo ako dahil sa pagod. Mahina na 'ko. Kulang na ko sa training. Dati naman malakas ang stamina ko, o dahil hindi sapat ang mga training na ginagawa sakin ni Dad. Nakakapanghina.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon