LA-Two

85.7K 2K 51
                                    


  LA-TWO [Where it starts.]

AUDRIE

"Jas! I'll go ahead!" Sigaw ko bago lumabas ng pinto. Baka hanapin ako non pag di ako nagpaalam sakanya katulad nung nakaraan, talagang pinagalitan nya ko, nag alala daw sya sakin kasi bigla akong nawala, akala ko namab alam nya na pag nawala ako ibig sabihin nauna na ko pumasok. Ayoko nang sumabay sakanya, baka malate na ako ng tuluyan katulad nung nangyarin sakin nung second day ko, lakas maka trauma non.

This is my second week sa academy, so far ayos pa naman lahat, nakikisama pa naman ang lahat, though nakakaramdam na ko ng mga unusual things, not spiritually like ghost, but some random things, like our own set of subjects.

Target shooting, logic class, gun mechanics, plan making and ziel sessions. Ilan lang yan sa mga subjects na nag highlight sakin habang binabasa ko to, lalo na ang manuals, rules and regulations.

No usage of ziel out of premises.

No fights, the punishment depends on the damage that has been done.

Every last day of the month, students were allowed to go home and need to be back before 12 midnight.

Ilan yan sa mga rules and regulations. I shrug thinking those things again, inayos ko na ang strap ng bag ko at mabilis na naglakas palayo sa dorm namin.

Tumakbo na ko papunta sa academy. Sa gubat na ko dumaan para mabilis. Nasa likod kasi ng Academy to'ng gubat. Nakita 'ko 'to habang nag totour ako mag isa kahapon, hindi kasi nabanggit sakin ni Justine na may forest pala dito. Mas mabilis ang route na 'to. I was trained to be fast, never pa ako'ng nalate. Kaya siguro.

Dahil wala namang madalas dumaan dito, ako lang ang naglalakad sa gitna ng gubat. Hindi naman ako natatakot. Madalas din kasi kami sa gubat dati nung Grade school ako. Isa kasi ako sa mga girls scout non. At pag nagtetraining din kami nila Dad at kuya. Tinuturuan kasi kami ni Dad ng Self defense. Halos lahat ng martial arts naturo na nya samin. He taught us too how to hold and use different kind if weapons. Kung paano magiging handy lang sya at pwede mong dalin ng walang nakakapansin. Meron akong dala, pero nakuha yon bago ako makapasok sa pinto ng kwarto namin, at hindi ko na alam kung nasan yon, paborito ko pa naman sa lahat yon, kakausapin ko na nalang siguro si Mam Shienna tungkol don.

Tumigil ako sa paglalakad nang may marinig akong kaluskos. Tumingin ako sa kaliwa't kanan, pero wala naman. Nagpatuloy nalang ako ulit sa paglalakad. Pero alisto na kong nakikinig sa kahit anong kakaibang kaluskos. Tumingin ako sa kanan, hindi ko alam kung nag ha-hallucinate lang ba ko o talagang tama ang nakikita ko, feeling ko dinadaya ako ng mata ko, pero parang gumalaw yung mga puno sa banda don. Kinalma 'ko nalang ang sarili ko at naglakad ulit, pero tuluyan na akong tumigil at ibinalik ang tingin ko sa pinanggalingan ko.

"Ahhhhhhhhhh!!"

"Ahhhhhhhhhh!!"

Napasigaw nalang ako, nang makita 'ko kung sino yung mga sumusunod sakin. "S-sino, S-ino ka-ayo?!" Halos di 'ko na masabi yung mga gusto ko'ng sabihin dahil sa gulat ko. Sino ba naman kasing hindi magugulat?! Yung mga Puno, gumagalaw sila, naglalakad at nagsasalita!

Bahagyang napatigil ang panginginig ng katawan ko nang bigla silang tumawa lahat. May nagsilabasan din na iba't ibang nilalang. Maraming may mukha at tumatawang puno ang nakapaligid sakin, Yung mga dahon at mga bulaklak nagkaron din ng mukha at tumatawa kasabay ng mga puno. May mga maliliit na nilalang na may iba't ibang kulay na pakpak din ang lumabas.

"Sino ba kayo! Pambihira naman, sana nagpasabi kayo na lalabas kayo para hindi naman ako nagugulat, grabe kayo." Sigaw ko sa kanila. Tumigil naman ang isa sa kanila at tumingin sakin.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon