Real: Thirty Seven

9.1K 163 6
                                    



                       XANDER


"Is it really possible to possess a body of a royal blood Auntie?" Nandito pa rin kami sa library, lumabas si Casper, sinamahan nya si Mel sa kwarto, napagod na ang asawa nya kaya naman hinatid na nya ito, si Senri naman, bumabalik na ulit sa kwarto ni Zam.


"Yes, magkapatid naman sila, kaya hindi imposible." Sagot ng reyna. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko reyna, isang beses ko lang sya nakita, at sa museum pa ng Academy. Pinag uusapan pa rin namin kung ano ang dapat gawin.


"Pero paano po nangyari na Fearsome ang bumuhay sa kanya? Hindi nyo po yata nasabi yan?" Kanina pa kami nagtatanong sa kanya, pero naubusan na rin siguro, kaya si Aliyah na lang ang nag tatanong.


"Yes, hindi ko na talaga balak sabihin, but this is the only way i know para maintindihan nyo ang sitwasyon."



  Flashback


"Parang awa nyo na! Ang anak ko! Nasaan ang anak ko?!" Hindi alam ng mga tao sa kaharian kung paano pakakalmahin ang kanilang reyna.



Ilang oras simula ng magising ito mula sa pamamahinga dahil sa sobrang pagod sa panganganak sa kanyang unica ija, labis ang tuwa nito ng magising, at nasasabik na makita ang kaniyang pangalawang anak. Ngunit hindi nito inaasahan ang balita na sasalubong sa kaniya.



"Patawad mahal na reyna, pero patay na po siya ng ilabas nyo." Malungkot at nakayukong sagot ng Capo di nascita.


"Hindi! Nasan sya?! Hindi ako naniniwala! Sa oras na malaman ko na nagsisinungaling kayo, papatayin ko kayo!" Tila wala sa sarili na sigaw ng reyna.



Nahintakutan ang lahat ng nakarinig nito, ito ang unang beses na nagbanta sa kanila ang reyna na tinitingala nila. Maliwanag ang paligid, kitang kita ang buhay na kulay ng iba't ibang uri ng mga bulaklak na galing sa hardin ng reyna, ngunit tahimik ang lahat.


"Ilabas nyo! Nasaan ang an-"


Kusang huminto ito sa pag sigaw ng bumukas ang malaking pinto, iniluwa nito ang kaniyang asawa na may buhat na maliit na bagay.


"Mahal." Tawag atensyon ng hari sa kanyang asawa na kumalma na ngayon. "Totoo ang sinasabi nila, patay na si Zamira." Bakas ang lungkot sa tinig nito habang iniaabot ang kanilang walang buhay na anak sa kaniyang asawa.


Halos madurog ang puso ng reyna ng makita ang walang buhay niyang anak, halos hindi na sya makahinga dahil sa nakita nya, wala nang kulay ang labi nito, hinawakan nya ang makinis nitong mukha, kusang ikinulong nito ang anak sa kanyang mga braso. Kamukhang kamukha nya ang anak na babae.


"Paano nangyari 'to?" Tanging nasabi ng reyna, pinakikiramdaman ang anak. "Hindi ko manlang narinig ang iyak nya o nakita ang pag galaw ng braso nya."


Ilang minuto syang nasa ganoong pwesto, lahat ay malungkot sa pag panaw ng prinsesa, ngunit isang maliwanag na bagay ang kumuha ng kanilang atensyon.



Nawala ang liwanag, pero pagkatapos nito ay may apat na nagliliwanag na babae ang lumitaw sa kanilang harapan, walang hindi nakakakilala rito dahil sa kadakilaan na nagawa nila para sa buong visivius.



"Zaira." Tawag ng isa sa kanila.



"Bakit kayo naririto, Merianne? Walang digmaan na nagaganap, may problema ba, kaya kayo naririto?" Imbes ay sagot ng hari, dahil halata naman na hindi sasagot ang reyna, nakatingin lang ito sa kanyang anak.



Lecquares AcademyWhere stories live. Discover now