Real: Thirteen

27.5K 892 61
                                    






        THIRD PERSON


Kasalukuyan na nagkakagulo ang buong Underworld counsil dahil sa kanilang narinig na balita kanina lang, kaya agad na pumunta ang isa sa kanila sa silid ng hari nila na kasalukuyan naman nagpapahinga sa kanyang kama.




"Totoo ba ang balita na aming narinig mahal na hari?" Tanong ng isa sa mga may mataas na posisyon sa Counsil.




Malamig na tinignan lamang sya ng tinatawag nyang hari at dahan dahan na tumayo sa kanyang pagkakahiga.




"Oo Andro, totoo, dahil iyon ang nakasaad sa propesiya, kaya wala tayong magagawa."




Marahan na umiling ang Matanda na nag ngangalang Andro.




"Pero ang Prinsipe? Alam na po ba nya ito?"




Ngumiti ang hari at tumango. "Alam na nya, simula palang nung una. Sya ang kauna unahang nakaalam nito."



"Pero, paano nya po nalaman?"




Tumingin ang hari sa malaking bintana na kitang kita ang buong kaharian. "Dahil sa mag asawang Ravens, ang aking mga kaibigang matalik." Tinignan nya ang matanda atska humiga ulit. "Umalis ka na. Napagod ako sa mga gawain kanina. Mag handa kayo ng masasarap na pagkain, at linisin ang buong mansyon."




Nagtataka man ay magalang na tumango ito at lumabas ng silid.




Napangiti naman ang Hari na sinasabi nila.




"Hindi na ko makapag hintay Anak."





ZAMIRA





"Zamira! Gising na! Malalate ka nanaman nyan."



"Zamira! Ano ba?!"




"Buksan mo na nga tong pinto!"




Kyaaahhhh! Napakaingay! Bakit ba ayaw nya kong tigilan! Matanda na 'to! Hilig talaga makielam sa pagtulog ko! Nakakainis pa!




"Zamira! Pupunta na ko sa office! Kaya bumangon ka na dyan!"



Malakas na ibinato ko sa pinto ang isa sa mga unan ko. "Shut up! Inaantok pa ko! Mamaya na please langg! Patahimikin mo naman ang buhay ko! Ugh!" Sigaw ko at saka padabog na humiga sa kama ko.




Naman kasi!





Antok na antok na humiga pa ko sa kama at tinakip ang unan sa mukha ko. Nakakainis naman kasi! Bakit ba kasi inisiip ko sya?! Since when the heck i feel at ease with someone like him?! Sht.




Flashback




After ng last class namin for today, napag desisyunan ko na na dumiretso pauwi. Tinatamad ako'ng gumala at maglakad kung saan saan. Matutulog nalang muna siguro 'ko ngayon.




Napatingin ako sa Huge Wall clock ng University ng bigla'ng tumunog ito.





Five pm na.





Mukhang uulan pa dahil sa sobrang dilim ng langit, mukhang hindi lang ulan 'to. May bagyo ba? I don't watch news kasi eh. *insert bitchy laugh* De joke lang. Nababaliw na yata ako, nag jojoke ako sa sarili ko.





Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon