LA-Three

66.9K 1.8K 60
                                    

         LA-THREE [Where it starts.]

AUDRIE

"Okay class, see you later, anyways, i have an announcement! Listen everyone!" Lahat kami nakatingin kay Mam Aiji, "May incoming festival pala tayo. Imemerge namin ang section nyo sa other section. I'll explain the further information by tomorrow, for now that's all, goodbye."

Tinatamad pa rin akong tumayo. Parang ang bilis ng araw, naka isang buwan na agad ako dito sa Academy, pero wala pa rin pagbabago, ganon pa rin ang tinuturo, wala pa yung mga major subjects kaya nakakapagtaka, kelan ba nila balak simulan yon? Naiinip na ko.

Napatigil ako ng biglang magkaron ng parang commotion sa pinto. I mean biglang nagkumpulan yung mga babae don sa pinto.

"Ohmygosh!"

"What is he doing heree?!"

"May girlfriend ba sya dito?!"

"Sino?! Oh to the m to the g! Tayo lang naman ang maganda dito ah!"

Impit na tili nung mga babae. Hindi ko masyadong maintindihan kasi patili nila sabihin yon, nagkibit balikat nalang ako at ipinagpatuloy ang pag pag dukdok, akala ko pa naman wala nang ganyan dito, uso pa rin naman pala ang mga fans club ng mga 'gwapo daw' na boys sa academy. Seriously?

Pagkatapos kong magsulat inayos ko na ang gamit ko at sinukbit ang bag ko. Tska tumayo at inumpisahang maglakad.

"Hey! Bakit ang tagal mo bago lumabas?" Napatigil ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Oh. Syl, ano ginagawa mo dito? Napadaan ka yata?" Ngumiti naman sya at lumapit sakin.

"Wala lang. Masama ba'ng sabayan ang bago kong kaibigan?" Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Syempre hindi. Tara!" Sabay hila ko sakanya papunta sa café na malapit sa campus.

"So ikaw pala ang dahilan ng commotion kanina sa pinto ha?" Biro 'ko sakanya pagkaupo namin. Tumawa naman sya at napakamot sa batok.

"Oo nga. Ewan 'ko ba sakanila, alam ko naman na gwapo ako, pero kaylangan ba talagang ipamukha sakin? Bastusan na kami dito, satingin mo?" Tumawa ko at hinampas sya sa braso.

"Baliw ka talaga, dahan dahan, baka liparin ka ng sarili mo'ng hangin dyan, ikaw din."

"Aww." Nagulat ako ng bigla syang lumayo, hindi naman masakit yung hampas ko, bakit sya nasaktan? Itinaas ko ng bahagya ang tee shirt nya at nakita ko na may sugat at pasa sya.

"Ay. Sorry, natamaan ko pala, patingin nga." Tumayo ako at umupo sa tabi nya sabay taas ng damit nya sa bandang braso.

May nakita kong pasa. Mukhang bago pa 'to. May mahaba at malalim na hiwa pa sya sa ilalim nito. Hinawakan ko lang iyon.

"Ma'am, Sir. Here's your order po. Enjoy!" Sabi nung babae, sabay pacute kay Syl. Napatigil ako sa pagtingin sa sugat nya, ibabalik ko na sana ang tingin ko sa sugat nya ng bigla nyang ibaba yung tee shirt nya.

"K-kain na tayo Zyle." Napatigil naman ako, pero hindi nakaligtas sakin ang nakita ko bago nya ibaba ang damit nya, yung sugat at pasa nya, nawala at gumaling bigla. Sino? Sino saamin dalawa ang may kayang gumawa non?

Sandali akong umiling, para mawala sa isip ko ang nakita ko. "Bakit naman Zyle ang naisip mo itawag sakin?" Tanong ko, at kumuha ng isang slice ng inorder naming Blue berry cake at Frappe.

"Wala lang. Naisip ko lang, masyado kasing mahaba pag Audrie, ayaw mo ba?" Umiling naman ako at ngumiti.

"Okay lang no, walang problema sakin." Sagot ko at nagsimula nang kainin ang order namin, may sweet tooth ako, marami.

Lecquares AcademyWhere stories live. Discover now