LA- Thirty: The End of Beginning. (Part 2)

27K 823 58
                                    







        LA- THIRTY (PART 2) THE END OF      BEGGINING [Where it starts.]

                            ---

   AUDRIE

"Sadness is when everyone around you form circles and clicks laugh and smile."

Nakatingin ako ngayon sa pares ng mga mata nya na walang tumatagos na emosyon, pakiramdam ko sa mga oras na to, hinihiwa ang puso ko sa sakit, kung titignan mo sya ngayon, parang hindi sya ang Syler na naging kaibigan ko, naging kasama ko habang hindi ko pa alam ang gagawin sa Academy na 'to, ang nagligtas sakin sa ilang pagkakataon na sigurado ang kapahamakan ko, ang tao na pinag kakatiwalaan ko.

"Nagulat ka ba? Na ang tao pala na pinagkatiwalaan mo, ay isa sa mga tapat kong tauhan, ha Audrie my dear?" Napatingin ako kay Acquerza, alam ko, ikaw lang naman ang tanga dito eh.

"Hindi na ako nagulat, kung iyan ang plano mo, pero gusto pa rin kitang patayin, walang magbabago don, kahit ano sabihin mo." Sagot ko at akto na patatamain sakanya ang mga maliliit na kutsilyo na hawak ko, pero napatigil ako nang may maramdaman na mahapdi, kaya agad na tinignan ko ang tagiliran ko. Nasira ang parte na yon ng damit ko at may malaking hiwa. Shit.

"Talk about good times that you can't seem to remember Back in the month of December."

"Wala kang karapatan na saktan sya." Malamig na sabi nya. Napatingin ako sakanya. Ibang iba na sya. "I have to do this. I'm sorry Audrie." Nagulat ako ng bigla'ng mag echo ang boses nya sa utak ko, is this what they call mind link? If yes, then it's very useful.

Ito ang nakita nung gabi na ginamit ko sakanya ang ziel ko, sya ang kausap ni Acquerza at nang isa pa na lalaki, kaya pala pamilyar ang mukha nya sakin, ito ang gabi na sinasabi nya na susugod sila, at kukunin ang ziel ko, hindi ko alam kung sino ang nagsabi sakanya ng ganoong mga impormasyon, pero sa ngayon hindi na mahalaga yon, kasi wala na rin naman mangyayari kung aalamin ko pa, nandito na sila at alam na, at sa ngayon iyon ang pakay nila dito, ako lang naman talaga, pero bakit kailangan nilang manakit at pumatay ng mga inosenteng tao?


You can't even feel yourself, don't even know yourself.

Nakita ko naman na gumawa sya ng barrier, naramdaman ko naman ang lakas noon, are they really that greedy to seek more power more than what they have? Do they still need to hurt and kill other in order to get what they want? Maybe yes, because if not, it will not happen. Hindi kami aabot sa ganitong sitwasyon.


"This battle is between you and her." He said, parang sinabi na rin nya na wala syang pakielam sa kung ano man ang maaaring mangyari ngayon dito. "No one should interupt."


"Everyone seems to be vibrating in excitement for this social hour You're just there drained of any sort of power and all you feel is a quiet numbness a certain kind of coldness."

Nakaupo lang ako, nanghihina ako, siguro dahil sa dami na ng ziel na nagamit ko, tapos tinamaan pa ko sa katawan. Naginginig ang mga tuhod 'ko, hindi 'ko kaya'ng tumayo. Sobrang sakit, bumibilis na rin ang pag hinga ko na halos habulin ko na ito, rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko, hindi ko alam kung paano ko ilalabas 'to. Hindi 'ko alam.

Nakita ko na naglalakad palapit sakin si Acquerza. Nakangisi sya. "Masakit ba?" Sabi nya pa. "Kahit na inaasahan mo, masakit diba?"

Naramdaman ko nalang ang pagkaka hagis sakin sa malamig na bato, naramdaman ko ang malapot na likido na dumadaloy sa ulo at ilong ko, marahas ko'ng pinahid 'to, takot ako sa dugo, pero ngayon wala na akong halos maramdaman, kahit mismong katawan ko tinatraydor ako, hindi 'ko makuha'ng tumayo, kaya wala akong magawa kung hindi ang tignan na lamang sya habang papalapit sakin.

Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon