Real: Thirty Four

11K 260 8
                                    





JUSTINE

Hindi yata maganda ang gising ni Zam, kanina ko pa kasi napapansin na tahimik sya. Mukhang malalim ang iniisip, ganyan sya simula nung umalis si Senri kanina, mukha ngang nag away sila.

"Oy pareng Ryuu, nag away ba sila?" Siniko ko ang katabi ko na busy sa paglalaro ng Ziel nya.

"Why don't you ask? Don't bother me." Mataray talaga si pareng Ryuu. Parang may period lagi no? Hanapan ko kaya ng lovelife to, baka sakaling bumait ng kaunti tsaka mag smile no?

"Ikaw pareng Casper, alam mo ba?" Sabi ko sa isa ko pang katabi ko. Inirapan lang nya ko. Talaga naman ang mga to. Kawawa talaga ang poging si Justine.

Kaya tumayo ako at nilapitan si Zam, baka need nya ng shoulder to cry, nandito si Justine the great.

"Hi Zam!" Bati ko, tinapunan lang nya ko ng tingin at tumango. "Kamusta ba? Mukhang nag away kayo ni pareng Senri ah." Gusto ko ng light atmosphere, hindi ako sanay pag masyadong seryoso.

Hindi pa rin sya nagsasalita, ano ba yan, parang si Aliyah, tsaka si Ryuu tsaka si Casper na rin, dedma ang kagwapuhan ko sakanila. Anak ng teteng naman.

"You won't understand." Tanging sagot nya sa matagal ko'ng paghihintay para sa sagot. Hay.

"Atleast may makiking sa'yo, mababawasan yung nararamdaman mo." Sabi ko at tinapik ang likod nya.

"Do you know that feeling, when something is not right, but you keep telling yourself that everything is going to be alright?" Napansin ko ang pagbabago sa boses nya at paglamlam ng mata nya. Siguro matagal na nyang dinadala yung problema, tingin nya kasi sa sarili nya malakas sya at kaya nya lahat. Mukhang hindi kaylangan ng payo ko dito, tagapakinig lang pala ako dito, oh well.

"We had an argument. There's a sudden change between us. He wouldn't tell me what's happening, how can i help him? I can feel him, we had this stupid bond. But i can't read what's running inside his mind, yes, i trust him, big time. I know, there's big dilemma that is about to come, should i go with the flow? What can i do to ease his pain? I trust him, but sad to say, i think he isn't."

Napabuntong hininga naman ako dahil sa sudden outburst nya, mahirap at magulo ang problema nila, pero isang bagay lang ang pumasok sa isip ko na sabihin sakanya.

"Kung may tiwala ka sakanya, sagarin mo na. Kaya nyo yan. Fighting lang!"

Tinignan naman nya ko at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.

Ganito na lang ba talaga ang role ko? Maging taga payo at pagapakinig sa mga broken hearted na mga friends ko? Paano naman ang lovelife ko?

Tatayo na sana ako, nang maramdaman ko na parang nasusunog ang balat sa bandang braso ko, at dahil hindi ako naka tee-shirt nakita ko agad, napatingin din si Zam sakin. Umilaw sandali pero nawala din, laking gulat ko nang makita ko na may mark na lumabas.

"The spade amity." Narinig ko na sinabi nya, bago ako mawalan ng malay.



ALIYAH

"Oo na! Alam ko na kung paano gamitin!" Natatawa talaga ko kay Xander. Kasalukuyan ko syang tinuturuan kung paano gumamit ng cellphone, buti nalang at fast learner sya, kaya mabilis nya lang na pick-up lahat ng sinabi ko.

"Oh, hala sige, kakain muna ko, babalik din ako agad, wag mo papasabugin yan ha! Papalitan mo yan!" Banta ko na hindi naman nya pinansin. Busy na sya sa pag pindot, kaya napailing nalang ako. Nakakatuwa syang panoorin, ang cute ng kumag.


Lecquares AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon