CHAPTER 32

21 4 0
                                    

Day 25 of being stupid cupid: Family






Buong maghapon ay nasa bahay lang ako kasama si Manang at si Daddy matapos naming mag-usap ay umalis na rin. Nanood lang ako ng TV, nag-Facebook tinuruan din akong mag-bake ng cake ni Manang.

Pero kahit 'yon lang ang ginawa ko ay sobrang nakakapagod na. Nasa may labas ako ngayon at tinitingnan ang langit.

Nang dumilim na ay pumasok na ako sa loob, at dahil wala pa sina Mommy at Daddy ay nauna na kaming kumain ni Manang.



***

Kinabukasan ay nagising ako dahil kay Manang nasa kwarto ko pala siya.

"Ohh! Manang?" Tanong ko, bumangon ako kahit inaantok pa.

"Gumising kana, tanghali na. Sinabi din ng Daddy mo na tawagan mo raw siya." ani Manang, binuksan niya naman ang bintana at inayos ang kurtina.

"Okay po, pero nasaan po 'ba si Daddy?"

"Nasa trabaho niya."

"Bilisan mo at ipaghahanda kita ng pagkain." Lumabas na naman si Manang kaya mag-isa nalang ako sa kwarto ko.

Bumaba na ako matapos kung maligo at magbihis.

Tinawagan ko naman si Daddy katulad ng sinabi ni Manang. Unang tawag ko pa lang ay sinagot na agad ni Daddy.

"Princess!"

"Yes! Dad?"

"Wala ka'bang gagawin ngayon araw? Can you please come here in my office."

"Okay dad, I'll be there in a minutes." Wala na din naman akong gagawin dito.

"Okay, hintayin kita dito."

Nagpaalam na ako at pinatay ang tawag, nagbihis ulit ako ng panibagong damit bago umalis.

Dumaan muna ako sa Starbucks para bumili ng coffee. Matapos kung bumili ay diretsyo na ako papuntang Kompanya ni Daddy.

Nang makarating ako ay dumiretsyo na akong elevator, alam ko na din naman ang office ni Daddy.

Nagulat ako ng makita ko si Jonah na nasa office rin ni Daddy.

Tiningnan ko si Daddy, nagtatanong.

"Gusto niyang tumulong sa atin Princess." Si Daddy.

"Ohh I forget, hindi pa pala kayo napapakilala sa isa't-isa. Princess, Jonalise, this is Jonah and Jonah this is Jonalise." Nakipag-shake hands si Jonah, kaya tinanggap ko nalang. Baka kasi magalit si daddy.

"Jonalise, mas matanda ng isang taon si Jonah sayo. So call her Ate or Ate Jonah. Okay." Tumango nalang ako kay daddy.

"Bakit niyo ako pinapunta dito dad?"

"Tulungan mo kaming gumawa dito sa office ko." Inilibot ko naman ang tingin ko sa buong office, may mga nagkalat na pang dekorasyon sa mag sofa sa table.

Para saan naman 'yan?

"At para saan naman dad?" Tiningnan ko si Jonah na may ginugupit-gupit na tela. Hindi ko alam kung kailan ko siya kayang tawaging Ate.

"I want to surprise your Mom, later. So I need your help, to design my office. At papapuntahin mo mamaya ang Mommy mo dito." Gusto kung matuwa dahil sa sinabi ni Daddy, hihingi na siguro siya ng sorry kay Mommy.

Honestly hindi ko talaga alam kung sino kila Mommy o Daddy ang may kasalanan. Basta ang importante sa akin ngayon malapit nang magkaayos sila Mommy.

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now