CHAPTER 27

19 6 0
                                    

Day 20 of being stupid cupid: Being cupid





"Sir may meeting po kayo ngayon." 'Yon agad ang sinabi ko ng pumasok si Rouw sa may office ngayong araw. Kahit Sunday ngayon. Ako kasi nanaman ang nauna, late siya.

"What time?"

"10:30am, 30 minutes nalang." Tumango-tango naman ito, umupo naman ito sa may swivel chair.

Nang dumating na ang 10:30am, ay tumayo na si Rouw, at sinuot ulit ang suit na hinubad niya kanina.

"Tara na." Sabi nito at nauna nang maglakad palabas sa office.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa may conference room. Pagdating namin ay halos si sir Rouw nalang ang hinihintay, dahil lahat ay nandoon na.

"Sorry I'm late." he said at naglakad na papunta sa upuan na para sa kaniya. Sa tabi niya naman ako umupo.

Maayos ang naging takbo ng meeting, at ng nagnatapos na ay si sir Rouw din ang naunang umalis. Hindi ko alam kung nagmamadali 'ba siya o ano.

"Ngayon na daw ang dating ni Mr. Alamiro." Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang Staff.

2 days lang pala siya sa England, so ngayon pala dadating si Mr. Alamiro. Naglakad na ulit ako, pagtingin ko sa harap ko. Wala na si Rouw, ang bilis namang maglakad ng lalaking 'yon.

Pagdating ko sa may office ay nandoon na siya, nakaduko sa may table. Anong problema nito?

Baka inaantok lang.

Naglakad ako papunta sa may water despensir, at nagtimpla ng kape para kay Rouw. Okay lang kaya siya? Nang tapos na ako sa pagtitimpla at pumunta na ako sa kaniya.

"Rouw."

"Sir coffee." Tiningala naman ako nito at umayos ng upo, "T-Thank you." Wala namang mali sa may mukha niya. Mukhang okay naman siya.

"Are you okay?" concerned na tanong ko dito, tumango naman ito. "Yeahh!"

Akala ko ngayong araw ay magbabago nanaman ang ugali niya, parang magiging monster, hindi pala.

*tok tok tok*

Napatingin kaming pareho sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may pinto at binuksan ito.

"Mr. Talyano." Binuksan ko ng malaki ang pinto at pinapasok siya. Umupo ako sa may sofa at pinanood lang sila. May binigay na folder si Mr. Talyano, pero bago niya ibinigay ito ay ipinakita niya muna kay Rouw ang may nakalagay doon.

"Thank you po Mr. Talyano, maybe later my dad here's already." Ani Rouw.

"Yeah, your Dad text me too. I gotta go..." Ani Mr. Talyano.

Isang oras na akong nagce-cellphone wala naman kasing pinapagawa si Rouw sa akin, si Rouw din ay walang ginagawa kundi ang paglaruan ang ballpen niya. Anong oras kaya dadating si Mr. Alamiro.

Agad akong napatayo ng makita ko kung sino ang pumasok. "Good morning po!" Magalang na sabi ko. Akala ko ay mamayang hapon pa ang uwi ng daddy ni Rouw.

"Wohh! Finally." Ani Rouw.

"Akala ko mae-extend pa ang pamamalagi ko dito, sobrang boring dito Dad." Ani Rouw sa daddy niya. Nakasunod naman kay Mr. Alamiro ang Secretary niya. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti din ako sa kaniya.

"Dito ka dumiretso Dad?" si Rouw habang nakatingin sa maleta na dala ng Daddy niya.

"Yeahh. So how's the company?"

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now