CHAPTER 33

16 4 0
                                    

Day 26 of being stupid cupid: Last target








Kausap ko ngayong araw si Zara at kinukulit ako, "Jonalise, sumama kana sa birthday party please! Pumayag na sila Shai at Ceila."

"Sa susunod na taon mo nalang ulit ako yayain." Hindi ko alam pero wala ako sa mood na lumabas ng bahay ngayon. Kasama ko kasi si Mommy at Daddy sa bahay ngayon. Okay na silang dalawa.

Pabalik na ako ngayon sa office ni Daddy, siguro naman naka pag-usapan na sila. Malapit na ako sa office ni Daddy ng tumawag si Paul. Ano naman ang kailangan nito?

"Bakit?" Tanong ko. Tumayo muna ako sa labas ng office ni Daddy. Mamaya na ako papasok kapag nakausap ko na si Paul.

"Nasa Davao ka pa rin ba?"

"Nasa maynila na ako. Noong nakaraang araw pa, bakit?"

"Nasa maynila rin ako ngayon, can we meet. Please Jonalise, sa Sunday."

"Okay, okay. Bye na muna." Akala ko ba naman kung anong importante lang ang sasabihin, wala pala.

Pinatay ko na ang cellphone ko, at pumasok na sa loob. Nakayakap si Mommy kay Daddy. Nakayakap sila sa isa't-isa. Napangiti ako.

"No more divorce paper?" Tanong ni Daddy kay Mommy, nakatalikod si Daddy sa gawi ko. Kaya nakita ako ni Mommy.

Bago siya sumagot ay ngumuti muna siya sa akin, "No more divorce paper." she said smiling.

"Jonalise," Lumapit naman ako kay Mommy at nakiyakap sa kanina.

"Okay na po kayo?" Sabay naman silang tumango.

Sabay-sabay kaming kumain at nagkwentuhan, 10pm na nang umuwi kami. Sa kotse na ni Daddy kami sumakay pauwi.

At dahil Saturday ngayon ay pareho silang nagleave, wala ding pasok sila Zara ngayon. Sa Monday naman ay papasok na ako sa trabaho, namiss ko na din ang trabaho ko. Mamayang 6:00pm ang birthday party na sinasabi ni Zara,
Pinsan niya ang may Birthday at kambal daw ito. Hindi ko naman kilala ang pinsan na tinutukoy ni Zara dahil galing daw itong ibang bansa.

"Okay sasama ako," narinig ko naman ang tili nito sa kabilang linya.

"Okay, see you."

Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo, kulay blue na dress ang sinuot ko. Pinarisan ko din ito ng kulay blue na sandals.

Pinuyod ko din ang mahaba kung buhok. Nang okay na ako ay bumaba na ako. "Jonalise, saan ang punta mo."

"Sa birthday party po Mom, sa pinsan ni Zara."

"Princess mag-ingat ka." Si Daddy na kakarating lang galing kusina.

"Okay po."

Humalik at yumakap ako kay Mommy at Daddy bago lumabas ng bahay para umalis na. 6:30pm na ngayon. Tinext ko na din si Ceila na hintayin ako para sabay na kaming pupunta doon sa bahay ng pinsan ni Zara.

Pinarada ko na ang sasakyan ko ng makita ko sila Shai at Ceila, hinihintay nila ako. Binuksan ko ang pintuan at dinungaw sila. "Sakay na."

Sa tabi ko naman sumakay si Shai at si Ceila sa likod. Black na off-shoulder dress ang suot ni Shai samantalang sleeveless na dress ang kay Ceila.

Nag drive na ako papunta sa address na sinabi Ceila, sinabi kasi sa kaniya ni Zara.

Nang makarating kami ay ipinarada ko na ang sasakyan, marami ring sasakyan ang nakaparda sa labas. Nauna akong lumabas at sumunod naman sila. "Tawagan mo muna si Zara, bago tayo pumasok." Sabi ko kay Ceila.

Being Stupid Cupid (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon