CHAPTER 4

56 26 1
                                    

I miss him




Kasabay kong kumain ang Ginang hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya may katandaan na rin siya pero bakas pa rin ang kagandahan niya. Hindi pa rin dumarating ang asawa niya na mangingisda.

Niyaya akong maglakad-lakad ni Miko at pumayag naman ako. I looked the sky it is peacefully. Payapa din ang dagat umupo ako sa buhanginan tumabi naman sa akin si Miko.


Gusto kung tumira sa isang payapang lugar, at nasa harap ng bahay ko ay ang dagat. Para palagi kung makita ang sunset. Ang sarap kasing pagmasdan ang paglubog ng araw.

Hindi ibig sabihin na lumubog na ito, na hindi na ito sisikat pa. Parang problema lang din ang sunset, eventually lulubog, mawawala.

"Miko, ilang araw pala akong tulog?" tanong ko pero nasa dagat parin ang paningin ko.


"Limang araw." sabi nito at tumingin sa dagat.

Nagkwento pa si Miko sa akin ng tungkol sa school niya, kaya ang ginawa ko ay tahimik lang na nakinig sa kaniya.


"Ayan na si Tatay!" biglang sigaw nito, habang nasa malayo ang tingin. Bakas sa mukha nito ang saya ng makita niya ang tatay niya.


Dali-dali naman itong lumapit sa isang lalaking medyo may katandaan na. Naalala ko dati ganyan din ako kay Miko.


Tuwing umuuwi sila Mommy't Daddy galing sa trabaho tuwang-tuwa ako.

Tumingin sa akin si Miko kaya napatingin din sa akin ang tatay niya. Lumapit naman ako sa kanila.


"Magandang araw po!"

Magalang na sabi ko, "Maayos kana ba hija?" Nag-aalalang tanong nito.

"Ayos na po ako tsaka salamat po pala sa pagtulong niyo sa akin."


"Walang ano man hija."

"Dito po muna ako, susunod nalang po ako mamaya. Sama ka na din sa Tatay mo Miko."


"Sige mauna na kami hija, huwag kang magtatagal dito bumalik ka din agad sa bahay."


"Sige po." saad ko at ngumiti, kumaway pa sa akin si Miko. Kumapit naman ito sa kamay ng Tatay niya at naglakad na sila.


Nauna silang umuwi dahil ibibinta pa ang isdang nahuli ng tatay ni Miko at nagpaiwan muna ako sa tabing dagat. Nakaupo ako sa may kubo dito. May mga ilang mangingisda pang dumating, ang iba ay napapatingin sa akin.


How? Papaano ako nakaligtas? Ano ang totoong nangyari? Nananatili parin ang mata ko na nakatingin sa dagat. Gusto ko talagang malaman.


Paanong napunta ako sa tabing dagat inalon lang ba ako. Tsaka why I am still alive? Bakit? Sinuwerte lang ba talaga ako. I guess, Yes!


Ang dami kung tanong na gusto kung malaman kung ano ang mga sagot.


Bakit nga ba binibigyan pa ng isang chance ang isang tao?

Para maging masaya uli o para magbago o baka naman mayroon pang dapat gawin dito sa mundo. Unfinissed business.


Minsan may mga bagay na kahit nakikita na natin pero ang hirap ipaliwanag, may mga napaliwanag na rin pero ang hirap makita at maniwala.


Naglakad na ako pabalik sa bahay nila Miko hindi subrang laki ang bahay nila simple lang. Pumasok ako sa gate na gawa sa kawayan. At pumasok sa loob ng bahay.


Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now