CHAPTER 21

15 9 0
                                    

Day 14 of being stupid cupid: Wrong





Pinagmasdan ko lang silang pumasok, pati kung paano niya alalayan si Miya. Naalala ko nanaman ang mga sinabi ni Miya noong nasa Cr ako.

Tumayo na ako para sana lumabas ng may narinig akong pagbukas ng pinto at kasunod nito ay ang tawanan. "Hahaha! now I know Miya why Fares breaking up her, she's cheap." Na isang babae sa mataray na boses.

"I agreed, she's not beautiful as you.."

"Hahaha!" tawanan nila.

"Tama kayo, she's not beautiful. Buti ngang hiniwalayan siya ni Fares. She's not worth." alam kong si Miya ang huling nagsalita. Sasa right si Miya nga 'yon.

"Buti nalang nagpablack-mail sa atin 'yong bast friend niya dati, hahaha!"

"Tara na." nang marinig kong umalis na sila ay tsaka palang ako lumabas sa may cubicle.

Ginawa niya 'yon dahil gusto niyang makuha si Fares sa akin. Pero kung totoong mahal ako ni Fares dapat hindi siya naniniwala kung kani-kanino, dapat sa akin lang. Minahal niya 'ba ako?

Nagulat ako ng tapikin ako ni Zayla sa may pisngi ng mahina, "Okay ka lang Ate Jona? Parang wala ka sa sarili mo."

"Your not okay, let's go." Si Klen, "Uhmm...Mamaya na, just 10 minutes more." Gusto ko 'pa kasing pagmasdan si Fares. Kahit mula sa malayo lang kahit hindi siya tumingin pabalik okay lang sa akin. Hindi na ako kinulit ni Klen, dahil may tinanong si Zayla sa kaniya. Kaya ngayon nag-uusap na sila. Tumingin uli ako sa direction nila Fares sabay silang naupo ng makuha niya ang order nila.

Simpleng gray v-neck shirt lang ang suot nito si Miya naman ay naka yellow dress. Bagay silang dalawa pero mas bagay kami ni Fare. Napangiti ako ng mapait.

Hihirit pa sana ako ng isa pang 10 minuto ng may tumawag kay Klen kaya tumayo na kami para umuwi. Bago ako tuluyang lumbas ay sinulyapan ko pang saglit si Fares.

Tama nga sila na kapag mahal mo ang isang tao ay tatalikod ka uli para sulyapan siya.

Sa sasakyan ko sumakay si Zayla dahil ayaw nito sa sasakyan ni Klen sumakay. Nauna na 'ring umalis si Klen sa amin dahil may emergency daw siyang pupuntahan. Hinatid ko mo na si Zayla sa bahay nila bago ako umuwi.

"Thank you ate Jonalise, I owe you a lot." she said and hug me. Nabigla ako kaya agad din siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Tumawa naman ako,

"Saying thank you is enough, I don't need anything. Just thank you."

Ngumiti naman ito kaya lumabas ang kaniyang dimple.

"Dito kana mag dinner ate Jonalise."

"Sa bahay na lang, sige mauna na 'ko pumasok kana."

Nang pumasok na si Zayla ay tsaka pa lamang ako umuwi. Pagdating ko sa bahay ay nandoon na si Mommy at Daddy, pero nag-aaway nanaman sila. Ano 'ba kasing pinag-aawayan nila?

"Mom, Dad, nag-aaway nanaman po kayo?" Umupo si Mommy sa may couch si Daddy naman ay nakatayo parin.

"No, princess may pinag-uusapan lang kami ng mommy mo." Ani Daddy. Lumapit naman ako kay Mommy at humalik sa pisnge nito, ganun din kay Daddy.

"I still going to tita Ezra dad?" Tumango agad si Daddy kaya sumimangot ako.

"Mom," nagsusumbong na sabi ko dito."Bukas na ang flight mo." Agad akong napatingin kay Daddy, "But Dad!"

"Besides I already call your Tita Ezra, that you went on her tomorrow."

"Mag dinner na mo na kayo." Si Manang, napatingin kami nila Mommy sa kaniya. Hindi nalang ako nagsalita at sumunod nalang ako kila Daddy. Habang kumakain kami si Mommy at Manang lang ang nagsasalita.

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now