CHAPTER 34

14 4 0
                                    

Day 27 of being stupid cupid: Demon







At dahil Sunday ngayon ay ngayon na ang sinasabi ni paul, na magme-meet kami. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking 'yon.

At dahil wala na din akong gagawin ngayong araw ay pupunta ako, ti-next niya pa nga ako kagabi kung pupunta ba talaga ako. Sa Mall lang naman.

Bumaba na ako nakabihis na rin ako, wala si Mommy at Daddy ngayon may aayusin lang daw sila. Hindi naman nila nabanggit sa akin kung ano. Lumabas na ako at sumakay sa may sasakyan ko, nang nakarating ako sa Mall ay pinarada ko na ang sasakyan ko at lumabas na.

Sa bungad palang ng Mall ay kitang-kita ko na si Paul, kamukha niya nga ng kunti si Fares. Noong unang kita talaga namin sa may Coron Palawan ay hindi ko agad napansin 'yon. Hindi ko rin naman kasi siya tinititigan ng matagal.

Kinawayan ako nito ng makita niya ako, naglakad na ako papunta sa kaniya. "Long time no see." Nakangiting sabi nito. Tumawa ako. "We meet in Davao, maka long time no see ka dyan." Tumwa rin siya dahil sa sinabi ko, totoo naman kasi nag kita din naman kami sa may Davao ilang days bago ako umuwi sa Maynila.

"Okay...Okay...tara na?" Sumunod naman ako sa kaniya papasok sa Mall.

Ayaw ko talaga na pumupunta sa Mall, pero okay na din ito. "So kamusta kana?" Tanong niya bigla. "Ayos lang naman, if you don't mind. Nakakausap mo ba si Fares?"

"Sometimes." Simleng sagot nito at umiwas ng tingin.

"Manood muna tayo," yaya ko sa kaniya.

Bumili naman kami ng ticket pero si Paul ang namili bumili din kami ng popcorn at coke para may kainin sa loob. Pumasok na kami sa may sine at dahil marami ding tao ay siksikan ang pagpasok.

Napadikit tuloy ako kay paul na halos yakap niya na ako. Nang maramdaman ko ang mga braso niya na kinabig ako papasok sa loob ng mga braso niya ay napatingin ako sa kaniya.

Sa pangalawang hanay ng upuan kami umupo, ayaw ko naman ng nasa subrang dulo. Nasa kanan si Paul at sa kaliwa ko naman ay isang lalaki din. Hindi pa nag-uumpisa ang palabas ay kinalabit niya na ako, tiningnan ko siya ng nagtatanong.

"Palit tayo." kahit nagtataka ay sumunod parin ako sa kaniya.

Katabi na naman ni Paul ang lalaki at ang nasa kanan ko ngayon ay isang babae.

Nang matapos ang palabas ay nagikot-ikot lang kami sa Mall. Kapag may nakikitang magandang damit o bag ay palaging sinasabi ni Paul na bibilhin niya para sa akin, pero tanging iling lang ang sagot ko.

Sinundan ko ng tingin ang isang babae, si Lylinne 'yuo. "Wait lang huh!" at dahil busy ito sa mga relo na tinitingnan niya ay hindi niya narinig ang sinabi ko. Naglakad ako para sundan si Lylinne, gusto ko siyang makausap tungkol sa kanila ng kakambal niya. Madali lang naman kausapin si Lylinne dahil mabait siya.

Hindi ko na siya nakita dahil sa isang lalaki na humarang sa dinadaanan ko, "Kuya excuse po." Nang tingnan niya ako sa mata ay napaatras ako, siya nanaman.

Hindi ko makakalimutan ang mga paris ng mga mata na 'yan. Kulay itim, iba talaga ang pakiramdam ko sa kaniya hindi maganda, palaging masama at ngayon ay mas lalong sumama ang pakiramdam ko sa kaniya.

Tumalikod na agad ako, siguro naman makikita ko ulit si Lylinne sa ibang araw.

Hindi ko alam kung sino siya pero sana hindi siya masama, kagaya ng palagi kung nararamdamn sa kaniya tuwing nakikita ko siya.

Bumalik na ako kay Paul at niyaya siya na kumain muna, bigla akong nagutom.

"Bibilhin ko 'yong relo, bagay sayo 'yon ang ganda." Umiling naman ako, "Huwag na, thank you nalang."

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now