CHAPTER 18

29 11 0
                                    

Day 11 of being stupid cupid: Again (Hospital)





Hindi na kami nagtagal sa Restaurant ni Karlo dahil nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya bumalik na kami sa may site. Nagpaalam na rin akong babalik na sa may kompanya 0umayag naman siya dahil may aasikasuhin pa din siya.

Nagda-drive na ako ngayon papuntang kompanya, Saglit lang din ang naging byahe ko at nakarating na ako pinarada ko na ang sasakyan ko at lumabas na at naglakad na papasok sa may lobby.

3pm na pala, nasalubong ko si Ceila kaya sabay na kaming sumakay sa may elevator. "Galing kang Batanggas? Tinawagan ka daw ni Zara pero hindi mo sinasagot." agad ko namang kinuha ang cellphone ko sa may bag ko, naiwan ko kasi ito sa may sasakyan kanina.

"Oo, galing ako doon," nang bumukas na ang elevator ay lumabas na kami ni Ceila. "Binigay ko pala kay Karlo ang number mo, nagtext siya kanina." natigilan ako dahil sa sinabi ni Ceila, nakalimutan ko palang ibigay sa kaniya.

"Ano pang sinabi niya?" Hindi agad nasagot ni Ceila ang tanong ko dahil may sinabi siya sa Staff na nasalubong namin. "Tinanong niya lang kung dumating kana ba," sabi nito matapos umalis ang Staff na kausap niya.



***

Nang mag 5pm na ay inayos ko na ang mga gamit ko bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok doon si Zara. "We're waiting outside." sabi nito at iniwan na ako sa loob. Mabilis ko lang inayos ang mga gamit ko at lumabas na din ako.

"Tara na," magulat naman sila Ceila ng bigla akong magsalita sa likod nila. "Huwag ka namang nanggugulat Jona!" si Ceila, nakahawak pa ito sa dibdib.

Tumawa lang kami. "Okay tara na." naunang ng naglakad si Zara at sumakay sa loob ng elevator, nakasunod lang naman kami sa kaniya.

Nang bumukas na ang elevator ay lumabas na kami. "Sinong sasabay sa akin?" Ceila asked kila Zara at Shai. "I have an emergency, magtataxi nalang ako. Si Zara nalang."

"Mauna na din ako, bye. Drive safely Ceila." Tumango naman ito sa akin at pumasok na sa loob ng sasakyan niya. Kasunod si Zara.

"Ingat ka Shai." Hinintay lang naming umalis sila Ceila. "Ingat ka din." Nga thumb-ups lang ako sa kaniya.

Naglakad na ako papunta sa kotse ko at sumakay na at pinaandar ito pauwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay si Manang lang ang nadatnan ko sa may kusina, nagluluto. "Hi manang." Bati ko dito umupo naman ako sa high chair sa may tapat ni Manang.

"Nandito na po ba si Mommy't Daddy?" Agad namang umiling si manang.

Hindi pa sila umuuwi? Pakiramdam ko talaga subrang lalim na ng pinag-aawayan nila.

Pinanood ko lang si Manang na maghiwa ng mga gulay. "Hindi ka pa ba magpapalit Jonalise? Amoy pawis na 'yang damit mo." tumingin ito sa akin.

Napatingin naman ako sa damit na suot ko. Natawa si manang ng amuyin ko ang sarili ko. "Magpalit kana." saad nito.

Tumango nalang ako at naglakad na dala ang bag ko paakyat sa hagdanan. Pumasok na ako sa kwarto ko at pumunta sa Cr at naligo. Nang matapos ako ay nagbihis na ako at nahiga sa kama.

Ipinikit ko ang aking mga mata at dahil sa pagod ay agad akong tinangay ng antok.



***

Nagising ako kinabukasan dahil sa liwanag na tumatama sa aking mata, galing sa araw. Binuksan siguro ni Manang ang kurtina ng kwarto ko. Bumangon na ako at naligo sinpleng dress na white lang ang sinuot ko.

Kukunin ko na sana ang earrings ko sa may drawer ng biglang tumunog ang cellphone ko.

*calling*

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now