CHAPTER 31

17 5 0
                                    

Day 24 of being stupid cupid: Hug








Nang bumukas ang elevator ay agad na akong lumabas at naglakad papunta sa may sasakyan ko. Para na akong tanga dahil kanina pa tumutulo ang luha ko, buti nalang at walang tao dito sa may parking lot.


Hindi ko maintidihan? Kailan pa ako nagkaroon ng kapatid, noong tiningnan ko kanina si Jonah ay para siyang masbata, pero hindi ko alam kung sino ang matanda sa aming dalawa.


Binuksan ko ang kotse ko at pumasok sa loob. Kay Mommy nalang siguro ako pupunta, si Mommy ay hindi sa kompanya ni daddy nagtatrabaho, dahil mas gusto ni Mommy doon sa kompanya ng mga magulang niya.


Dahil wala na din si Lolo at si Lola naman ay hindi na kayang magtrabaho. Kaya ang kompanya ay nasa pangalan na ni Mommy.


Gusto din ni Mommy at Daddy na sa kompanya namin ako magtrabaho, pero hindi ko gusto ng ganun. Gusto ko 'yong nasa ibang kompanya ako. Gusto ko kasi na kapag na-promote ako ay hindi dahil sa anak ako ng may-ari kundi dahil sa nagsumikap ako.

At tsaka gusto ko din patunayan sa kanila na kaya ko nang tumayo sa sariling kung mga paa ko,hindi naman masama ang ganun di'ba.

Kalahating oras akong nagbyahe at nakarating na ako, tiningala ko muna ang building bago nag drive papasok sa basement.

Lumabas na ako ng sasakyan ko at sumakay sa elevator at lumabas na ng bumukas ito. Dahil hindi din ako pumupunta dito ay nakalimutan ko din kung nasa anong floor ang office ni Mommy.

Lumapit ako sa may babae na nasa reception. "Hi, good morning. Can I asked if wh-"

Nagsalita na agad ito kahit hindi pa ako tapos sa pagsasalita. "Si Mommy mo 'ba Jonalise?"

Tiningnan ko ang name tag niya, Villy T. Quezo.

"Hi Ate Villy, sorry po hindi ko kayo agad nakilala." Sabi ko dito, siya kasi ang kaibigan ni Mommy na matagal ng nagtatrabaho dito.

"Okay lang Jonalise, pupunta ka ba sa Mommy mo? Samahan na kita." ngumiti ito.

Kaya ngumiti din ito pabalik. "Nakalimutan ko na po kasi, kung nasa anong floor si Mommy." pag-amin ko at tumawa.

Sinamahan niya naman ako, sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang 10th floor. Okay nasa 10th floor pala ang office ni mommy. Naalala ko na.

Dahil tahimik kami ay bigla itong nagsalita, "Ngayon kalang ulit nakabisita dito Jonalise." Nilingon ko naman siya, "Oo, nga po. Busy din po kasi sa trabaho." Sagot at tumawa ng kunti.

"Umiyak ka'ba bakit namumula ang mata mo." Iniiwas ko ang tingin sa kaniya, diretsyo na ang tingin ko ngayon sa pintuan. Hinihintay na sana bumukas na ang pinto. Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil ayaw ko nang magsinungaling.

Nang bumukas ang elevator ay ako ang naunang lumabas. Lumampas pa nga ako ng lakad kung hindi lang sinabi ni Ate Villy na doon pala ang opisina ni mommy.

"Salamat po sa paghatid." Tumango at ngumiti lang ito sa akin.

Kumatok muna ako ng dalawang beses, baka kasi kapag bigla nalang akong pumasok ay may kausap pala si Mommy sa loob. "Come in."Boses ni Mommy.

Binuksan ko naman ang pinto at pumasok.

Hindi agad ako nakita ni Mommy dahil nakatingin ito sa laptop niya at nag ta-type.

"Jonalise!" Nang makita na ako nito ay tumayo ito at niyakap ako.

"Dapat nagsabi ka na pupunta ka dito."

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now