CHAPTER 14

33 16 0
                                    

Day 7 of being stupid cupid: Klen


"Ma'am what's your order?" Hindi ko alam kung susundan ko 'ba si Klen o mag-oorder ako, nakita ko kasi siyang palabas na ng Eestaurant. Sino kayang kasama niya dito?

"Hmm...I have to go na pala sorry!" kinuha ko na agad ang bag ko at agad na lumabas ng Restaurant para sundan si Klen, sana makausap ko siya. Nahiya din ako sa babae na nasa counter pero si Klen ang importante sa akin ngayon.

"Heyy!" I shouted. Napalingon tuloy ang mga tao sa akin at nagbulong-bulungan, tumingin ako sa direksyon ni Klen na nakatingin na pala sa akin.

I smile sweetly. "Hi." tiningnan lang ako nito ng diretsyo sa mata and he looked at me from head to toe. Dahil sa ginawa niya napatingin din ako sa aking sarili, I'm wearing spaghetti strap at jeans at bitbit ko ang bag ko.

"Done?" Tanong ko na ang tinutukoy ay kung tapos na ba siyang tingnan ako.

"Tskk!" akala ko ba mabait siya? Pilosopo to ahh! "You're Zayden's best friend, right?" I asked even I know that hes Zayden's best friend.

"Yeahh, so?" He's wearing green v-neck shirt at sweatpants. He's handsome also like Zayden mas lalo siyang naging gwapo dahil sa makapal niyang kilay at medyo magulong buhok.

Kaya pala na in love si Zayla sa lalaking ito. "I'm Jonalise...Can we be friends?" Sana pumayag siya.

"Pagiisipan ko," he said before he walk away. What the!

Sinundan ko siya hanggang sa makapunta siya sa sasakyan niya. Good thing na nakapark lang din malapit sa sasakyan niya ang kotse ko. Agad akong pumasok sa sasakyan ko at pinaandar ito pasunod kay Klen. Saan kaya siya pupunta?

7pm na ng gabi, kahapon pumunta kami ni Sasa sa kanila tuwang-tuwa ang Mommy niya ng makita ako. Matagal din kasi akong hindi nakapunta sa kanila. Wala pa isang oras ng tumigil ang sasakyan ni Klen sa harap ng isang bar lumabas na ako at sinundan ko siya sa loob.

Pumunta siya sa counter at nag-order sa bartender ng alak, maglalasing ba siya? Lalapit na sana ako pero baka magalit siya at isiping sinusundan ko siya kahit 'yon naman ang totoo. Umupo ako malayo sa kaniya at nag-order lang ng juice, wala akong planong maglasing.

Inilibot ko ang akong tingin sa kabuuan ng bar malakas ang music at napaka-wild ng mga taong sumasayaw sa dance floor may ibang naghahalikan sa gilid agad kung iniiwas ang tingin ko sa kanila. Dito pa talaga nila ginagawa 'yon? Tsk!

Muli kung tiningnan si Klen kung titingnan mo siya parang pasan niya ang lahat ng problema. Nawala ang ngiti niya ng may sinabi ang bartender sa kaniya at sunod-sunod niyang nilagok ang alak na hawak niya, ano kaya ng sinabi nito sa kaniya?

Sinipat ko ang wrist watch ko 8 o'clock nang sa tingin ko ay lasing na siya, naglakad na ako papunta sa kaniya. Umupo ako sa upuang nasa tabi niya,

"Ma'am boyfriend niyo po ba siya?" Nilingon ko ang bartender ng tanungin niyo 'yon sa akin, hindi ko napansin na nakatingin na pala ito sa amin, nawili kasi akong tingnan ang maamong mukha ni Klen kapag nakapikit ang kaniyang mga mata. Bakit napaka-gwapo ng nilalang na 'to.

"Nahh! Friends lang kami!" ngumiti naman ito ng nakakaluko sa akin at tumingin din saglit kay Klen at tumingin uli siya sa akin.

He chuckled. "Friends with benefits." Mas lalo pa itong ngumiti dahil sa sariling sinabi. Nakakatawa ba ang sinabi niya? Kasi ako hindi natatawa, naiinis. Akala niya siguro nagsisinungaling ako.

"Kuya, Friends lang po talaga kami ni 'to." at tinuro ko si Klen na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin na nakadukduk ang ulo sa lamesa.

"Oyyy!" kinalabit ko naman si Klen. "Pssttt!" tulog na ba to?

"Oyyy! Klen." gumalaw naman ito at dahan-dahang dumilat.

"Hi, miss beautiful." Napa face palm ako.

Lasing na nga siya."Klen uwi na tayo." umiling naman agad ito at tumingin sa bartender. "B-Bigyan mo pa a-ako ng isang pang baso ng v-vodka."Sabi nito sa lasing na boses. Tumingin naman sa akin ang bartender humihingi ng abeso kung papayag ba ako sa sinabi ni Klen.

"Uhmm. Huwag niyo ng bigyan kuya." tumango naman ito sa akin. "Klen tara na gabi na kasi, tsaka lasing kana ihahatid na kita." tumingin naman ito sa akin

"Hazel.." he uttered.

"Huh?" Tanong ko, tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong Hazel. "Sino ba si Hazel?" Sana lang magsabi siya kapag lasing daw kasi ang isang tao sinasabi niya lahat ng hinanakit na nararamdaman niya at lumalabas ang totoong pagkatao.

"Sino ba 'yon huh? Jowa mo 'ba 'yon?" he asked. Malakas na talaga ang tama niya, akala ko ba naman may malalaman ako ngayon sa kanila ni Zayden, sa friendship nila.

"Klen tara na." Inalalayan ko siyang tumayo good thing na sumunod siya sa akin, habang naglalakad kami palabas ng bar ay may tumitingin na mga babae sa amin. Hindi niya naman siguro mga ex-fling mga ito. Baka kasi bigla nalang akong sugurin at sabunutan.

Nang makarating kami sa may sasakyan niya at maiupo ko siya sa may frontseat ay subrang sakit ng braso ko, ang bigat niya kasi. Prenti na itong nakaupo at nakapikit ang mga mata, ang sarap naman ng buhay niya.Arghh! Nakakainis ang lalaking 'to.

Iniwan ko mo na siya doon sa sasakyan niya at pumasok ulit sa loob ng bar para bayaran ang lahat ng nainom ni Klen, pinaiwan ko din doon sa may bartender ang sasakyan ko. Mukhang mabait naman siya, hindi niya naman siguro itatakas ang sasakyan ko o kaya ibibinta hiningi ko rin ang kaniyang number para mai-text o kaya ay matawagan ko siya.

Bagbalik ko sa may sasakyan ay tulog na tulog na talaga si Klen, kinapa ko sa kaniyang bulsa ang kaniyang wallet at cellphone. Buti nalang may address siya ng kaniyang condo na tinitirhan.

Malapit lang din sa may bar ang kaniyang condo unit kaya nakarating agad kami doon, nagpatulong lang ako sa may Security na buhatin si Klen dahil hindi ko na kayang buhatin siya ng tulog.

Nang makapasok na kami sa kaniyang condo ay hinatid siya ng Guard sa mismong kwarto niya. "Maraming salamat po."

"Walang anuman po Ma'am." ngumiti lang ako kay Kuyang Guard at sinamahan itong makalabas ng condo. "Thank you po ulit."

Pinuntahan ko naman si Klen sa kaniyang kwarto at tiningnan ito habang natutulog. Naglagay lang ako ng sticky note sa Ref. ni Klen.

Sleeping beauty, sleeping lasing. You owe me huh! Nasa cellphone mo na ang number ko if you want to thank me, just text or call me. Your new best friend slash your new superhero...Hahaha! :)
                                                           
                                                                    -Jonalise.

Lumabas na ako sa unit niya at sumakay ng taxi, na text ko na din si kuya Wilmo siya 'yong bartender na kinausap ko Wilmo pala ang pangalan niya. Nang makarating ako sa may bar ay nakita ko na agad si Kuya Wilmo nakatayo malapit sa may kotse ko. "Salamat Kuya Wilmo."

Ngumiti naman siya. "Okay lang Ma'am, naihatid niyo na po ba si Sir 'yong boyfriend niyo?" Agad naman akong umiling.

Tumawa naman ito. "Po, ehh saan po kayo galing?"

Tumawa na din ako. "Ahh...I mean hindi ko siya boyfriend, at oo hinatid ko na siya.." Nagkamot naman ito ng kaniyang batok.

"Akala ko po talaga nagbibiro lang kayo kanina hehehe!"

"Salamat uli Kuya Wilmo, mauna na po ako." Paalam ko dito at sumakay na sa kotse ko. Kumaway pa ito sa akin bago pumasok sa loob ng bar.

Nakarating ako sa may bahay ng 10 o'clock at si Manag lang ang naabutan kung gising.

"Ohh, hija ginabi ka? Nag-overtime ka 'ba?" Tanong ni Manang ng pagbuksan niya ako ng pintuan. Iling lang ang naisagot ko at umupo sa may sofa, sobrang napagod ako ngayong araw.

Sana maging malapit ako kay Klen para mapagbati ko na sila ni Zayden. Hihintayin ko ang text o tawag niya.

     
                   
                               

-Written By Eaciert

Being Stupid Cupid (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon