CHAPTER 13

26 13 0
                                    

Day 6 of being stupid cupid: How to forgive



                          

Masakit ang braso ko at hita ng magising ako kinabukasan dahil nag workout ako kagabi bago matulog. Isang buwan na kasi akong hindi nakaka-workout nabigla siguro ang katawan ko kaya sumakit. Pinisil-pisil ko ang braso ko habang bumabangon, makikipagkita pala ako kay Sasa ngayon.

Workout din ang palaging kung ginagawa tuwing may iniisip ako na mabigat. Pakiramdam ko nakakalimutan ko ang mga iniisip ko dahil sa pagod.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Mommy, "Gising kana pala Jonalise." naglakad naman si Mommy palapit sa akin.

"Kamusta sa trabaho mo?" Wala namang bago sa trabaho ko katulad lang din ng dati.

"Okay lang naman Mom! Nothing changed, ganun parin nakaka-stress minsan." parang gusto ko tuloy magbakasyon kasama sila Mommy't Daddy. Umupo naman si Mommy sa tabi ko, alam kung hindi ang trabaho ko ang gusto niyang pag-usapan. Hindi naman kasi pumupunta si Mommy sa kwarto ko minsan lang kapag may kailangan siyang sabihin na mahalaga.

"Mom?" Tinanong ko na agad si mommy, sinipat ko ang orasan na nakalagay sa may side table ng higaan ko, maaga pa naman hindi naman ako mali-late sa trabaho ko.

"Huwag mo kaming problemahin ng Daddy mo, magiging okay din kami." hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni Mommy na magiging okay din sila eventually ni Daddy. Agad na tumalikod sa akin si mommy at may pinahid siya sa kaniyang mukha, hindi na ako bata para hindi 'yon mapansin.

Ang ayaw ko sa lahat ay ang makitang umiiyak ang parents ko, okay lang sana kung tears of joy pero hindi ehh!

"Mom! Magiging maayos din po kayo ni Daddy."

"Sige na maligo kana at may trabaho ka pa." Lumabas na naman si Mommy sa silid ko.

Sumabay akong mag breakfast kila Mommy at Daddy pero hindi pa rin katulad ng dati. Nakakabingi ang katahimikan sa dining table.

"Manang palagyan niyo nga po ako ng baon sa tupperware." Sinabi ko lang 'yon para basagin ang katahimikan pero paninindigan ko na. Magiging busy din naman kasi ako mamaya sa trabaho kaya hindi ako makakabili ng lunch ko.

"Magbabaon ka Jonalise." tumango ako kay Mommy, "May tatapusin pa po kasi akong drawing Mom."

"Manang lagyan mo ng gulay ang babaunin ni Princess, huwag puro karne, Manang." Ani daddy kay Manang Felie na inaasikaso ang babaunin ko.

"Okay po."

Nangmatapos kaming kumain ay nagpaalam na ako kila Mommy at Daddy dahil mali-late na ako.

Habang nasa byahe ako ay iniisip ko kung magiging maayos ba ang magiging pag-uusap namin ni Sasa mamaya. Ilang minuto lang akong nagdrive at nakarating na din ako sa may company, pinarada ko na ang sasakyan ko sa parking at naglakad na papasok.

Nagtrabaho lang ako pagdating ko sa opisina ko, 12 o'clock ng matapos ako sa ginagawa ko.

*1 message received*

Si Sasa, hindi ko muna binasa ang text niya. Inayos ko na ang mga gamit ko at kinuha ang bag ko ng nasa elevator na ako bago ko binasa ang text niya.

From Sasa: Nandito na ako, Bessy.

Ang aga niya namang pumunta mamayang hapon ko pa sana siyang gustong makausap pero dahil nandoon na siya pupunta na ako. Nagtext nalang ako kay Zara.

To Zara: Huwag niyo na akong hintayin mag lunch may pupuntahan pa 'ko.

Nang makarating ako sa coffee shop ay nakita ko agad si Sasa na nakaupo malapit sa counter. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papunta sa table niya.

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now