CHAPTER 19

23 10 1
                                    

Day 12 of being stupid cupid: Conversation





Nang umalis na ang Doctor ay sa Zayla naman ang pumasok sa kwarto ko. Ngumiti ito sa akin at naupo sa upuang nasa tabi ng kama ko.

"Dapat Ate tinawagan mo ako, na pumunta pala si Kuya sa condo ni Klen."

"Para kasi silang aso't pusa nag-aaway kapag nagkit-"

Bigla akong natawa dahil sa sinabi ni Zayla, kaya hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil sa tawa ko. Bakit ba kasi kailangan pa ni lang magsuntukan o magsakitan? Pwedi namang mag-usap nalang sila ng maayos ng walang nananakit para walang masaktan, hindi na naman nila kailangang saktan physically ang isa't-isat kasi alam kung emotionally pareho na silang nasasaktan.

Hindi ibig sabihin na sinaktan tayo e kailangan din nating manakit pabalik sa kanila. Mali 'yon.

"Sino palang nagdala sa akin dito sa Hospital?"

Hindi ko alam kung sino kila Zayden o Klen ang nagdala sa akin dito, baka si Zayden. Tsaka may sakit nga pala si Klen hindi ako kayang buhatin noon. "I don't know, Kuya call me when they here already. Nataranta pa nga ako kaya umalis na agad ako sa may grocery." she explained.

Napatingin kami sa may pinto ng bumukas ito at pumasok sila Zara si Zayla agad ang tiningnan ko, alam kung siya ang tumawag sa mga kaibigan ko at nagsabi. Ngumiti ito sa akin at nagkamot ng batok.

"Zayla! Next time kapag nangyari ulit 'to huwag mo nang tawagan 'yang mga 'yan." tumango naman ito sa sinabi ko. Sinapak naman ako ni Ceils sa braso.

"Anong next time, next time...Hoy! Wala nang next time. Ngayon palang umpisahan mo nang magbalot." Hindi ko naintidihan ang huli niyang sinabi.

Tsaka ko palang naintindihan ang sinabi ni Ceila ng pumasok ang Doctor sa kwarto ko at kasama si,

Mommy.

Akala ko si Mommy lang pero hindi pala, nasa likod ni Mommy si Daddy. Alam kung concern lang si Zayla kaya sinabi niya sa mga kaibigan ko ang nangyari sa akin pati sa parents ko. Gusto kung maging concern si Zayla sa akin pero mas gugustuhin kung huwag na lang.

Oo, mabait si Mommy at Daddy pero kapag ako na ang nasasaktan. Hindi nila 'yon gusto. "Mom, Dad!" Hindi kumibo si Mommy at Daddy. Kaya napangiwi ako.

Galit ba sila?

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila o kung mayroon ba akong dapat sabihin. Anong sasabihin kung reason. Mom, dad inawat ko po sila kasi kailangan ko silang pagbatiin para tantanan na ako noong God from above na 'yon, nanggugulo kasi ng buhay. Hindi ko alam kung may maniniwala ba sa akin. Tungkol doon sa God from above na 'yon.

Baka isipin lang nilang nababaliw ako.

"Mom, Dad, okay na po ako. Uwi na po tayo." 'Yon na lang ang tanging nasabi ko, hindi ko kasi talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Ayaw ko rin naman pag-alitan sa harap ng mga kaibigan ko, mas okay kung sa bahay nalang nila ako sermunan.

Nasa sasakyan na kami ngayon kanina pa walang nagsasalita sa amin nila Mommy si Daddy din tahimik lang. Nang nakarating na kami sa may bahay si Mommy ang naunang bumaba ng sasakyan. Lumabas na din ako kasunod niya.

Hindi ko alam kung hihinto na ako sa paglalakd kasunod si Mommy alam ko na kasi ang mangyayari. Sinalubong kami ni Manang sa may pintuan. "Jonalise, ayos kana ba?" Tumango naman ako kay Manang. "Manang mag-uusap lang po mo na kami ni Jonalise." ani Mommy at tumingin sa akin. Umalis naman si Manang at pumunta sa may kusina.

"Mag-usap tayo." sumunod ako kay Mommy papunta sa may sala. Naupo ako sa sofa at tiningala siya. "I already told you Jonalise, but what you did!? Hindi ka nakikinig!" alam kung galit na si mommy dahil sa tono nito sa pagsasalita. Napatingin ako kay Daddy na kakapasok palang sa pintuan, nag-iwas agad ako ng tingin ng tingnan ako ni Daddy.

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now