CHAPTER 12

31 16 0
                                    

Day 5 of being stupid cupid: Best friend




"Jonalise! Bumaba kana tanghali na!" sigaw ni Manang Felie sa labas ng kwarto ko. Nakailang sigaw pa ito bago ako magsalita dahil inaantok pa ako.

"Opo, babangon na Manang!" hindi na ulit sumigaw si Manang siguro bumalik na sa kusina.

Nag-ayos lang ako ng aking sarili bago ako bumaba Sunday ngayon pero may kikitain akong client mamaya, Sunday kasi ang usapan namin. Wala si Mommy at Daddy kaya mag-isa lang akong kumain ng breakfast, bacon with melted cheese, omelet, fried rice at toasted bread. Ang niluto ni Manang para sa breakfast.

Naalala ko kagabi matapos umalis nila Klen at Hazel doon sa party ay hindi ko na nakita si Zayden, sabi ni Zayla nagkulong daw sa kaniyang kwarto at uminom ng alak. Affected parin siya, sabi nila kapag galit ka pa ibig sabihin hindi ka pa naka moved on.

Limang araw palang akong nagiging cupid pero pakiramdam ko isang Buwan na, papaano ko 'ba mapagbabati ang magkaaway kung ako hindi ko magawang patawarin ang kaibigan ko.

Ibinaba ko ang kutsara pati tinidor at tumingin kay Manang. "Manang paano po 'ba magpatawad?" Tanong ko pagkatapos ay uminom ng tubig, tumigil naman si Manang sa kaniyang ginagawa at humarap sa akin. Umupo ito sa upuan na nasa harap ko at tsaka ngumiti sa akin.

"Hindi mo kailangang tanungin kung paano magpatawad Jonalise. Bakit kailangang magpatawad iyan ang tanungin mo sa sarili mo. Kapag nasagot mo na kung bakit kailangnag magpatawad tsaka mo malalaman kung paano magpatawad." ngumiti pa si Manang matapos niyang sabihin 'yon.

"Hindi ko po maintindihan?" Tanging nasabi ko.

"Maiintindihan mo rin 'yan kapag tinanong mo na sa iyong sarili." aniya at bumalik na sa kaniyang ginagawa. Nakatitig lang ako sa aking pagkain at pilit inaalala ang mga sinabi ni Manang.

Nanood lang ako ng TV pagkatapos kong kumain. Nagtry akong mag research sa Google kung paano magpatawad at ito ang mga lumabas.

How To Forgive Someone Who Has Hurt You: Dr. Wayne W. Dyer
Forgiveness | 398 Comments

Below I share how to forgive someone who has hurt you.

Step 1: Move On to the Next Act.
Your past history and all of your hurts are no longer here in your physical reality. Don't allow them to be here in your mind, muddying your present moments. Your life is like a play with several acts.

Step 2: Reconnect to Spirit.
Make a new agreement with yourself to always stay connected to Spirit even when it seems to be the most difficult thing to do. If you do this, you will allow whatever degree of perfect harmony that your body was designed for to proliferate. Turn your hurts over to God, and allow Spirit to flow through you.

Step 3: Don't Go to Sleep Angry.
Each night as I drift off to sleep, I adamantly refuse to use this precious time to review anything that I do not want to be reinforced in the hours of being immersed in my subconscious mind.

Step 4: Switch the Focus from Blaming Others to Understanding Yourself.
Whenever you're upset over the conduct of others, take the focus off those you're holding responsible for your inner distress. Shift your mental energy to allowing yourself to be with whatever you're feeling - let the experience be as it may, without blaming others for your feelings.

Step 5: Avoid Telling People What to Do.
Avoid thoughts and activities that involve telling people who are perfectly capable of making their own choices what to do.
people. From that moment on, you'll be free of frustration with those who don't behave according to your ego-dominated expectations.

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now