185. 𝗨𝗡𝗔'𝗧 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡

100 1 0
                                    

158. 𝗨𝗡𝗔'𝗧 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡

Andito ako
sa lugar kung saan tayo
Unang nagtagpo
Mahal, maghihintay ako sa'yo.

Dumidilim na
Ngunit wala ka pa
Aasa akong darating ka
Mahal, dumating ka sana.

Tuluyan akong napang-hinaan
Dahil walang ikaw na nasilayan
Tapos na tayo, ito'y palatandaan
Tuluyan mo na nga akong iniwan.

Ang sikip ng dibdib ko
Dahil akala ko, magbabago ang isip mo
Na sa tagpuan nati'y sisipot ka
Dahil sa hindi mo ko kayang mawala.

Pero napa-isip akong tama ka rin
Na kailangan na natin 'tong tapusin
Na wag na tayong lumaban
Pagkat sa huli, tayo rin ang ang masasaktan.

Kung saan tayo
Unang nagkakilala
Doon mo rin pala ako
Iiwang mag-isa.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon