99. CRUSH VI

172 3 0
                                    

CRUSH VI

Nalulungkot ako
Alam mo ba kung ano ang dahilan?
Haha, bakit ko pa ba itatanong sa'yo
Eh wala ka namang pakealam.

Yan, yan ang dahilan kung bakit ako ganito
Ang katotohanang 'ano lang ba ako sa'yo?'
Sa sobrang lungkot nga, naiiyak ako
Pero hindi dapat ako umiyak kasi wala namang magbabago.

Kung iiyak ba ako, magkakaroon ka na ba ng pake sa'kin?
Di ba hindi naman? Kaya bakit ako iiyak?
Kaya naman kahit malungkot ako, pinipilit ko pa rin na ika'y intindihin
Kahit sa loob-loob ko, gustung-gusto ko na talagang umiyak.

Wala kang pakealam sa'kin
Wala kang pakealam sa'kin
Wala kang pakealam sa'kin
Wala ka talagang pakealam sa'kin.

Kahit na ilang beses kong ulitin ang mga katagang ito
Bakit meron pa rin akong pakealam sa'yo?
Bakit ikaw pa rin 'yung gusto ko?
Bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako?

Alam mo ba kung minsan, pinipilit kong wag ng paramdam sa'yo
Pero kasi nahihirapan lang ako sa tuwing ginagawa ko iyon
Hindi kita matiis, kaya naman chat pa rin ako ng chat sa'yo
Kahit paulit-ulit mong binabalewala ang lahat ng iyon.

Nasasaktan ako, sobra
Pero wala naman akong magagawa di ba?
Alangan namang pilitin kitang replyan ako nang sapilitan
Ramdam kong ayaw mo, kaya nga ako nasasaktan.

Nalulungkot ako, nahihirapan ako, nasasaktan ako
Pero wala ka pa rin talagang pakealam
Ayoko nang ganito, ayaw ko nito
Ayoko nang ganitong pakiramdam.

Teka, kamusta ka na? Siguro maayos ka
Eh ako kaya? Kailan kaya ako magiging okay uli?
Kailan uli ako makakangiti at makakatawa
Na hindi na kailangang gawing peke.

Teka lang pala, hindi ako nagrereklamo kung bakit wala kang pakealam sa'kin.

Alam ko naman ang dahilan kung bakit eh
Kaya nga, iniintindi ko ang lahat kahit minsan hindi kona talaga maintindihan
Haha, anggulo pero mas magulo ako
Kase bakit ako nasasaktan eh wala namang tayo?

Wala na naiiyak na naman ako
Naiiyak ako sa sobrang lungkot
Bakit ba kase wala kang pakealam?
Kahit wag na saken, basta may pakealam ka nalang sa nararamdaman ko.

Masama bang magkagusto ako sayo?
Masama bang humanga sa katauhan mo?
Siguro nga masama kase sino ba naman ako?
Hamak na walang pinag-aralan, tapos ang panget ko pa diba? Haha.

Hindi ko na kaya
Hinang-hina na ako
Bigyan mo naman ako kahit kaunting halaga
Bigyan mo naman ulit ako ng kahit kaunting pansin.

Miss ko na yung dati
Yung dating ikaw
Yung dating kaibigan ko
Yung dating Markieee na nakilala ko.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon