126. MALAYA KANA

155 0 0
                                    


MALAYA KA NA

Ginawa naman ang lahat para sa'yo
Ngunit sa huli'y, bakit ako'y niloloko mo?
Sinaktan ang aking pusong natutuliro
Na ikaw at ikaw pa rin ang itinuturo nito.

Na kahit iniwan at pinaluha mo
Ikaw pa rin ang hanap ng mga mata ko
Na kahit ilang beses mo akong ginago
Sa'yo at sa'yo pa rin ang bagsak ko.

Tanga na nga ba ang matatawag sa akin?
Na sa kabila ng sakit sa aking damdamin
Ay handa pa rin kitang tanggapin
Na sa huli'y ikaw pa rin ang pipiliin.

Ganun naman siguro, hindi ba?
Na kapag mahal mo talaga ng sobra
Na kahit ilang beses ka pang saktan niya
Hindi ka magdadalawang isip na patawarin siya.

Kase nga, mahal mo at mahal kita
Mahal kita kaya hangga't kaya ko pa
Patatawarin at patatawarin kita
Kahit kapalit man no'n ay ang pagmumukha kong tanga.

Mamahalin pa rin kita
Kahit ilang beses mo akong pinapahiya
Sa harap ng mga taong ating kakilala
Kaya kong tiisin 'yon, huwag ka lang mawala.

Kahit sa mga gabi na palagi kitang iniiyakan
Sa mga masasakit na salita habang sinisigawan
Sa mga pamamahiya mo ng harap harapan
Mamahalin pa rin kita't hindi susukuan.

Maraming nagsasabi sa akin
Na hayaan na kita at palayain
Madali lang naman iyon sabihin
Pero hindi ko talaga kakayanin.

Masyado kitang mahal ng sobra
Ang iwan ka'y hindi ko magagawa
Ang palayain ka'y hindi ko makakaya
Kaya hangga't kaya ko pa, titiisin kita.

Ngunit aabot din pala ako sa punto na
Na wala ng paglalagyan ang mga bawat luha
Na ang sakit at pighati na ikaw ang may gawa
Makakaramdam din pala ako ng pagod, bigla.

Pagod na noon ay wala sa aking listahan
Sa isipan ay wala akong balak na ika'y sukuan
Ang dalawang ito ay akin ng nararamdaman
Unti-unti na akong nagigising sa katotohanan.

Panahon na siguro para sumuko
Ang mahalin ka'y dapat ko ng ihinto
Kailangan ng putulin ang pagsasakripisyo
Na baka kapag nanatili ako, baka sakaling ika'y magbago.

Tama pala ang sinasabi nila
Ang palayain ka'y dapat matagal ko ng ginawa
Dapat pala sumuko agad ako sa ating dalawa
Edi sana, hindi ako nasasaktan ngayon ng sobra.

Ngunit bago muna kita pakawalan
Bago ko wakasan ang aking nararamdaman
Bago ko putulin ang matagal nating pinagsamahan
Hayaan mong sabihin kong mahal kita ngunit ako'y nasasaktan.

Mahal, nais ko lang na iyong malaman
Na marami beses akong lumaban
Lumaban ako sa maraming paraan
Ngunit ngayon, kailangan na nga kitang sukuan.

Palalayain na kita
Hindi dahil sa hindi na kita mahal
Dahil alam mong mahal na mahal kita
Pero kailangan kong sundin kung ano ang tama.

At ang tamang iyon ay ang palayain ka
Hindi ako nagsisisi ng makilala kita
Hindi ako nagsisisi ng sinagot kita
At mas lalong hindi ako nagsisisi na minahal kita ng sobra.

Kaya mahal, malaya ka na
Tinatapos ko na
Kung ano 'man ang meron tayong dalawa
Pinapalaya na kita
At ngayon, malaya ka na
-na mahalin siya.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon