156. BYAHENG PAG-IBIG

168 1 0
                                    


Ihinto mo na, dito na lang ako
Ihinto mo na ang sasakyan na iyong minamaneho
Kasabay ng paghinto ng nararamdaman ko para sa'yo
Pagkat alam ko na kung saan ako patungo
At kung saan tutungo ang aking pagkakagusto.

Ihinto mo na!
Maglalakad na lang akong mag isa
Kung saan wala ng pagbabakasaling may pag asa
Ang nasa isipan kong baka pwede tayong dalawa.

Tanggapin mo ang bayad ko
Pagkat ang sukli ay hindi ko na tatanggapin
Dahil tanggap ko na rin na imposibleng mo akong mahalin
Katulad ng pag asang baka ikaw rin ay may pagtingin sa' kin
Huwag mo na akong tawagin
Huwag mo na akong habulin
Sa'yo na ang sukli
Ayoko ng magbakasali
Huwag mo na akong sundan
Baka ang pag asa ko'y muling madugtungan

Tama na
Huminto ka na
Hayaan mo akong maglakad mag isa
Hayaan mo akong makalayo sa'yo
Hayaan mong maalis ang sakit na nararamdaman ko
Na dulot mo, dulot ng pagkakagusto ko sa'yo
Tama na, alam kong may pasahero ka pang iba
At alam ko rin na may mahal ka ng iba
Kaya huwag mo na akong susundan pa
Sa'yo na ang sukli
Sukling dala-dala ang bawat pighati
Sa gabi gabing aking paghikbi
Nagbabakasaling baka ako naman ang iyong ipili.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon