68. PINAGLARUAN MO LANG AKO

166 1 0
                                    

PINAGLARUAN MO LANG AKO

Minahal kita dahil sa totoo ang ikaw
Ngunit hindi ko na alam dahil ang ugali mo unti unting lumilitaw
Kung saan inakala kong hindi ka madaling bumitaw
Ngunit naglaho iyon no'ng bigla kang umayaw.

Sa relasyon na akala ko'y kaya mong ingatan
Sa relasyon na akala ko'y sabay nating pahahalagahan
Sa relasyon na akala ko'y kaya mong sagipin at labanan
Pero akala ko lang ang lahat dahil ako’y bigla mong iniwan.

Akala ko totoo ka
Akala ko totoo ka pero hindi pala
Akala ko sa akin ay ikaw na
Ang lahat ay puro akala, na kailan maitatama?

Minahal kita na sana pinigilan ko
Na sana hindi ako nagpauto sayo
Na sana hindi ako nagpalinlang sa mga pinangako mo
Na sana hindi ako nagpadala sa lintik na nararamdaman ng puso ko.

Minahal kita kung saan dapat ay hindi pala
Kung alam ko lang na lolokohin mo ako, sana mas iniwasan pa kita
Kung alam ko lang na pawang laro lang pala sayo ang lahat, hindi sana ako naniwala
Pero hindi ko alam, ang alam ko lang ay mahal kita.

Akala ko totoong minahal mo ako
Kase nakita ko yun mismo sa mga mata mo
Kase ramdam ko yun mismo sa tuwing magkasama tayo
Pero bakit nauwi ang lahat sa isang laro?

Umamin ka sa akin na ang lahat ay isang laro
Isang laro at iyon ay paibigin ako
Isang laro kung saan magkakaroon ng tayo
Isang laro at iiwan mo akong umiiyak at lumong-lumo.

Bakit? Paano mo nagawa ang lahat sakin ito?
Ano ba ang kasalanan o ginawa ko sayo?
Bakit mo ako pinaglaruan gamit ang nararamdaman ko?
Bakit mo sinaktan ang puso kong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka ng todo?

Seryoso ako kung saan ang lahat sayo ay isa lamang palang laro
Seryoso ako kung saan ang lahat sayo ay pawang biro
Ang dating kalmado naging tuliro
Ang dating seryoso ngayon ay pawang nagbago.

Pinagsisisihan ko kung saan nagrereply ako sa bawat pangungulit mo
Pinagsisisihan ko ang lahat ng mga bagay kung saan napaniwala ako
Ang lahat ng atensyon na binibigay mo lahat pinagsisisihan ko
Pinagsisisihan ko kung saan naging tayo.

Kung sana hindi nalang kita sinagot
Edi sana hindi ako napaikot
Kung sana paulit-ulit parin akong nagpapalusot
Edi sana ang puso ko hindi nagsugat at nagusot.

Kilala ka
bilang isang lalaking
ubod ng babaero
lahat sa iyo ay laro.

Kaya wala akong balak
na ubusin ang oras
sa isang katulad mo
na mukhang may pina-plano.

Lumipas ang ilang linggo
wala pa ring nagbago
araw-araw mo akong nilalapitan
sabi mo, gusto mo lang makipag-kaibigan.

Sumabay na lang ako
sa kung anong gusto mo
hanggang sa nagtapat ka
"Clara, gusto kita."

Hindi ako nagdalawang isip
iniwasan nga kita
hindi dahil sa hindi kita gusto
kundi dahil natatakot ako.

Gusto na rin kita
pero hindi ko ito gusto
kasi alam ko
na ikaw ang tipo
na hindi nagseseryoso.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon