7. FLAMES

1.1K 29 0
                                    

                         


FLAMES

Anim na letra
Isusulat ang buong pangalan nating dalawa
Sa papel at tinta, tayo muna ang bida
Sa kapalaran, sana tayo ang itinadhana.

F-riends ay ayaw ko
Pagkat higit pa sa kaibigan ang nadarama ko para sayo
L-overs ay 'di sapat at hindi ko gusto
Pagkat ang nais ko ay magkaroon ng salitang 'tayo'.

A-ngry ay iiwasan
Pagkat ayaw kong lumuha mas lalong ayaw kong masaktan
M-irrage ay sapat na at sa harap ng altar tayo ay magsusumpaan
Sa harap ng maraming tao at sa Diyos ang saksi sa ating pagmamahalan.

E-ngaged ay sobrang sapat na
Mapakita lamang na tayo ay tapat sa isa't-isa
S-weetheart, love, baby, babe, oh kahit ano pa ang tawagan nating dalawa
Sa aki'y walang problema ang nais ko lamang ay sa pagtanda tayo parin ang magkasama.

At kapag matanda na tayong dalawa
Kay sarap balikan ang ating mga ala-ala
Mga kilig factor natin sa isa't-isa
Na hanggang ngayon ay dala-dala parin natin ng magkasama.

Salamat sa pagmamahal na iyong ibinigay
Na yung pangarap ko noon na magkaroon ng tayo ay iyong ibinuhay
Buhay ko ay nagkaroon ng pinta na may iba't-ibang kulay.
Kay sarap damhin na ang pag-ibig mo para sa akin ay higit pa sa FLAMES ang iyong inialay.

            

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon