5. CRUSH

1.8K 41 3
                                    

CRUSH

Ito ang araw na hindi na talaga kita magugustuhan
Pipilitin ko ng pigilan ang aking nararamdaman
Ayoko ng umasa dahil baka lalo lang akong masaktan
Kaya sana tadhana, makisama ka na lang.

Hindi na ako ngingiti kapag nakita kita
Hindi na ako lilingon kapag nandyan ka na
Hindi na ako aasa na baka sakaling lumingon ka
Hindi na kita tititigan habang nakatingin ka sa iba.

Hindi ko na rin sisilipin ang profile picture mo
Buburahin ko na lahat ng pictures mo sa gallery ko
At lalong hindi na rin kita iistalkin araw-araw
Hindi na kita hihintayin sa bintana kapag hindi ka pa natatanaw.

Bakit kasi sa dinami rami ng pwede kong gustuhin
'Dun pa talaga sa taong hindi ako magawang pansinin
Ni hindi nga nya ako matapunan ng tingin
Kahit saglit lang, ni hindi nya ako magawang lingunin.

Teka nga, akala ko 'ba iiwasan na kita
Pero bakit bigla ulit akong umasa?
Dahil ba sa nahuli kitang nakatingin sa'kin?
Ano ba 'yun! Dapat na ba akong kiligin?

Tulad ngayon, nakita na naman kita
Dahilan para makaramdam na naman ako ng kaba
Mistulan parang tanga'ng natataranta
Hindi mapigilang umasa na baka sakaling lumingon ka.

Ngunit lahat ng ito ay walang halaga
Pagkat alam ko naman na may gusto kang iba
Wag ka ng magtaka kung paano ko nalaman
Basta, gusto na kitang iwasan.

Pero gusto ko lang na malaman mo
Na tunay kitang ginugusto
Kaso, sobrang kumplikado
Kaya, titigilan ko na lang ito.

Alam mo 'ba kung gaano kita katagal nagugustuhan?
Umabot iyon ng isang taon at limang buwan
At sa tagal na 'yon, kailangan ko na talagang pigilan
Ayokong umasa dahil wala namang patutunguhan.

Sa labin limang buwan na 'yon hindi mo ako napansin
Na para 'bang sayo'y isa lang akong hangin
Hangin dahil nasa harap mo na 'nga ako
Sa iba pa 'rin nakatingin ang mga mata mo.

Weyt lang, magmomo move on ako
Kahit hindi naman nagkaroon ng 'tayo'.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon