167. PAPA (3/7/22)

200 2 0
                                    

Kulang ang salitang sobrang miss na kita
Sa siyam na taong hindi ka na namin nakakasama.

Papa, Maligayang Kaarawan!
Meron ba d'yang handaan?
Kamusta ka na diyan?
Kami dito? Ayos naman!

Papa, alam mo ba?
Syempre hindi pa, HAHAHAHAHA
Ang kyut ko!
Syempre saan pa ba ako magmamana kundi sa'yo!

Seryoso, sobrang miss na po kita
Miss na miss na miss, sobra
Siyam na taon ka ng wala
At siyam na taon na rin kaming nangungulila.

Bakit ba kasi ganon?
Bakit ang bilis kang kunin ng Panginoon?
Masaya na sana 'yong pamilya natin
Nagbago lang no'ng nawala ka sa' min.

Ay oo nga pala, Papa
May maganda akong balita sa'yo
Nakapagsulat na ako ng 200 na tula!
Syempre po ikaw ang insipirasyon ko.

Ikaw po kasi ang dahilan
Kung bakit ang pagsusulat ay aking nahiligan
No'ng nawala ka kasi, mga sa saloobin ko'y wala akong masabihan
Kaya dinaan ko sa pagsusulat ang aking nararamdaman.

At heto na nga,
Ang dami ko na nga pong naisulat na tula
Salamat po Papa kasi dahil sa'yo
Nadiskubre na may ganito pala akong talento.

Kaya Papa, pangako ko sa'yo
Balang araw, magkakaroon din ako ng sarili kong libro
Kung hindi man palarin na matupad ang hiling ko
Sana icrushback na lang ako ng crush ko.
-charot, Papa! HAHAHAHAHA

Mahal kita, Papa.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon