25. MGA SANA KO

689 14 0
                                    


Sa totoo lang, ito ang kauna unahang tula na nagawa ko. Taong 2016. Hindi ko alam na may talento pala ako sa pagsusulat ng tula, basta nagawa ko lang 'to, siguro dahil na rin sa wala akong masabihan ng saloobin ko kaya na express ko na lang yung mga nararamdaman ko sa paraan ng pagsusulat. May pinagdadaanan kasi ako ng time na 'to at andito yun sa tula kaya sana magustuhan nyo.

MGA SANA KO

Malalim ang aking iniisip
Habang nakatingala sa langit
Ang dami rami kong mga hiling
Na sana ay kanyang dinggin.

Ang dami kong katanungan
Ngunit walang mahagilap na kasagutan
Ang daming gumugulo sa aking isipan
Na tila'y hindi ko mabigyan ng dahilan.

Ang dami pang mga nais at plano
Ngunit pawang bula itong naglaho
Mga dapat na mangyari at mga gusto
Ngayon ay hindi na maaari pagkat ito'y mistulang nagbago.

Panginoon na nasa Kataas taasan
Aking mga tanong sana'y Iyong tugunan
Sana nandito pa siya sa tabi namin
Sana hanggang ngayon kami'y masaya pa rin.


Tinatanong ko ang Panginoon
Bakit papa ko pa ang kinuha Niya ng biglaan?
Bakit si Papa pa na walang ibang ginawa kundi magtrabaho
Bakit si Papa ko pa ang binigyan Niya ng ganoong karamdaman na tuluyang nagpawala ng kanyang hininga.

Kung hindi siguro siya nagkasakit; nawala
Siguro 'yong pamilya namin kumpl
Masaya kami ngayon pero hindi ko na mapipilit
Wala na siya at iyon ang katotohanan
Na sana isang panaginip na lang.

Papa, salamat po sa lahat ng sakripisyo
Salamat po dahil pinaramdam mo kung paano maging masaya ang pamilyang naiwan mo
Salamat po sa mga palo mo na s'yang namimiss ko
Hindi ko man lang nasabi sa'yo kung gaano ako ka suwerte na ikaw ang papa ko.

Pero Pa, sana lumaban ka no'n,
Sana nilabanan mo ang sakit na 'yon.
Sana dinilat mo ang mga mata mo,
Sana pinakinggan mo ang mga dasal namin sa'yo.

MGA SANA KO,
na hindi na mananalo.
MGA SANA KO,
Na s'yang pawang ala-ala mo.

Ngunit wala ng magagawa,
Para saan pa ang pagmamakaawa?
Sakit at pighati ang syang dala-dala,
Habang hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala.

Lumipas ang isa, dalawa, tatlo, apat at limang taon,
Limang taon na pero hindi parin bumabaon.
Ang lungkot at hindi ko pagtanggap,
Na wala na sya sa hinaharap.

Sya ang Hari sa buhay ng aming pamilya,
Sya ang haligi ng tahanan at sakanya kami umaasa.
Sya ang nag-aahon sa amin sa hirap,
Sya yung lalaking nagbibigay ng saya sa malungkot naming hinaharap.

Nasa langit na sya,
Ang Panginoon ay kasama na nya.
Ginagawa ko itong tula,
Habang lumuluha.

PA, I LOVE YOU PO. ALWAYS REMEMBER THAT. I PROMISED NA GAGAWIN KO ANG PANGAKO KO SAYO PA, ATIN- ATIN LANG YUN, HEHE. GOOD GIRL PO AKO, DON'T WORRY. I'LL TAKE CARE OF MY SIBLINGS AT LALO NA SI MAMA. I DON'T BROKE MY PROMISED, PA. TRUST ME.

I MISS, WE MISS YOU SO MUCH PA :'( I WISH YOU'RE HERE, AT KASAMA KAMI :'( I LOVE YOU <3

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon