80. HINDI NA SANA AKO UMAMIN SAYO

211 2 0
                                    


HINDI NA SANA AKO UMAMIN SAYO

Maraming balakid
ang nasa paligid
hindi dapat ako manghinayang
sa ginawa kong pag-amin ng nararamdaman.

Nalungkot, oo
sapagkat
ito ang tama't dapat
maaga akong nagtapat

Ngunit may bakas
pa rin ng pagsisisi
na dapat mas pinigilan
ko pa ang aking sarili.

Na sana hindi agad
ako umamin sa iyo
na sana pinili ko na lang
na ilihim itong nadarama ko.

Dahil sa pag-amin ko
umiwas ka

Nagsisisi ako ng sobra
Pero hindi ko na pwedeng bawiin dahil nasabi ko na
Nakalulungkot lang dahil nauwi sa pag iwas mo bigla
Sana hindi ko na lang pala inamin sa'yong gusto kita.

Sana pala hindi ako nagpadala sa emosyon ko
Sana pala hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko
Sana pala mas inisip ko kung anong kahahantungan kapag umamin ako
Sana pala nakuntento na lang ako sa kung anu'man ang meron tayo.

Kaibigan, magkaibigan tayong dalawa
Sana pala hindi na ako naghangad pa doon ng sobra
Kaya sana hindi mo ako masisisi kong isang araw nahulog na lang ako sayo bigla
Dahil ang totoo, hindi ko naman yun sinasadya.

Hindi na sana ako umamin sa'yo
Edi sana hindi ka lumayo
Edi sana hindi mo ako iniiwasan kapag lalapit ako
Masama bang aminin ko ang totoong nararamdaman ko?

Masama bang gustuhin ka?
Masama bang makaramdam ako nito o mali dahil magkaibigan tayong dalawa?
Masama bang mahulog ako sayo at mahalin ka?
O hindi tama kase magkaiba tayo ng nadarama?

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon